Chapter 11: what the hell!!

1835 Words
Kinabukasan... "Sure kaba na makikipagkita ka dyan sa lalaking yan?" Sabi ni Dave habang naglalakad kami papuntang school. "Hindi ka pwedeng makipagkita, marami kapang gagawin sa bahay!" Pagalit na sabi ni Zeus. "Pau, baka kung anong gawin sayo nyan!" Sabi ni Rad. "Teka nga! Teka nga lang! Pwede ba chill lang kayo? Makikipag meet lang naman ako at isa pa hayaan nyo na ko first time ko lang na may makakapansin sakin!" Hala! Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Bakit masaya ako? Nasan na yung Paulo na walang oras para sa mga ganito? Yung Paulo na may kailangang patunayan? Yung Paulo na may hinahabol pang kinabukasan? Hindi naman siguro masama? Ngayon lang naman eh. "Sabihin mo lang kung kailangan na naming iimpake yung mga gamit mo at kung aalis kana sa bahay para makahanap na kami ng papalit sayo!" Pagalit na sabi ni Zeus sabay naglakad na sya papasok. "Ha? Anong problema nun?" Sabi ko sabay tingin kay Dave at Rad na sinagot lang ako ng kibit balikat. Tinignan ko lang si Zeus papalayo hanggang sa matabunan na ng mga estudyante ang mga mata ko. Ano bang problema nya? Gusto naba nya kong paalisin sa borading house? Di naman nya siguro sasabihin yun kung walang ibig sabihin eh. "Tara na." Aya sakin ni Dave habang hinaharangan nila ng mga kamay nila ang dadaanan namin sobrang dami parin kasi ng tao dito na nagsisigawan, hindi ba sila nagsasawa? "Ang haba naman ng buhok mo girl!" Sigaw ni Joan ng ikwento ko sakanya na may imi-meet ako later after school "Wag ka ngang maingay dyan!" Sabi ko habang nahihiya pero medyo kinikilig din. First time ko lang kasi na maranasan yung ganito. "Baka naman modus lang yan ha!" Dagdag pa ni Joan sabay upo at nilabas yung baon nya. Lunch break na namin ngayon at sa maniwala kayo o hindi sobrang g**o ng utak ko kanina ni hindi ko na nanaman maintindihan yung lesson kanina. Parang napapaisip nga ako eh simula talaga ng makasama ko yung 3 annoying men nayun sobrang nahihirapan nakong mag focus sa pag aaral, not to mention baka maubos na yung savings ko dahil wala pakong nahahanap na part time. Pagkatapos namin kumain babalik na sana kami ng room ng bigla kaming napahinto dahil sa tumpok na estudyante sa di kalayuan. "Ano yun?" Tanong ko. Alam ko hindi dahil yun sa tatlo dahil hindi naman sila nag sisigawan. Ano kaya tinitignan nila? "Ahh.. ayan yata yung basketball tournament ng school natin, nako tara na!" Yaya ni Joan sabay hila sakin. Maglalakad na sana kami ng may sumalubong saming dalawa ni Joan na estudyante at binigyan ako ng papel na nakatupi. Pagkaabot na pagkaabot sakin ng papel agad na umalis yung babae, hindi ko tuloy natanong kung ano o kanino galing tong hawak kong papel kaya namang binuksan ko nalang para tignan. "Ohmygad! Totoo nga! Gurl grabe sobrang haba na ng buhok mo!" Nagulat ako kay Joan ng sumigaw sya kaya naman napatingin ako sakanya na ngayo'y nakatingin sa hawak kong papel. At talagang nauna pa syang basahin tong hawak ko ha. Galing pala kay Archee yung papel at sinabi nya na magkita raw kami sa coffee corner, coffee shop yun na malapit lang dito sa school namin. Pagkatapos ng klase namin nagpaalam agad ako kay Joan na aalis nako, ayoko kasing maghintay si Archee sakin sa cafe first time pa naman namin magkita. "Hindi mo ba ako isasama?" Pahabol ni Joan ng maglakad nako malapit sa pintuan. "Next time nalang haha baka mahiya sya eh!" Sabi ko at lumabas na ng pinto pero napatigil ako ng makita ko sa harapan ko si Dave at Radcliff sa likod naman nilang dalawa ai Zeus na nakatalikod samin at nakatingin ng malayo. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko bago ako tumingin ulit sakanila, anong ginagawa nila dito? Bakit nandito sila? Buti nalang wala ng estudyante kung hindi mahihirapan akong umalis nito. "Uuwi kana ba?" Sabi ni Dave. "Sabay kana samin." Dagdag pa ni Radcliff habang ngiting ngiti. "Ahh... ahmm... ano kasi eh." Sabi ko habang kumakamot ng ulo sabay tingin kay Joan pero iniwas agad ni Joan yung mga mata nya! Lang hiya ka Joan traydor ka hindi mo'ko tinulungan dito! Hahaha. "Ahm ano kasi may pupuntahan pa'ko." Sabi ko nalang. "Saan? Sasama kami!" Masayang sabi ni Rad. "Ay hindi na! Hindi na! Ahmmm... sige una nako!" Sabi ko nalang at kumaripas nako ng takbo. Whew kala ko hindi ko sila matatakasan eh. Hahaha buti nalang mabilis akong tumakbo wahahaha! Pero hindi muna ako tutuloy sa cafe sa CR muna ako tutuloy syempre mag aayos muna ako! Para naman presentable ako pag nagkita kami ni Archee. Ano kayang itsura nya? Halos inabot din siguro ako ng 30 minutes sa pag aayos ko hindi ko narin namalayan naghilamos pa kasi ako bago naglagay pa ng kung anu-ano sa mukha. Teka pano ko pala sya makikilala? Eh hindi ko pa naman sya nakikita? Nako bahala na nga i'm sure pagnakita naman nya ko siguro lalapitan na nya ako. Halos maubos yung hininga ko pag pasok ko ng cafe, pano ba naman kasi sobrang bilis ko maglakad at the same time may kasama pang kaba sa dibdib ko. Iginala ko yung mga mata ko sa cafe, hindi naman kalakihan yung lugar pero pakiramdam ko sobrang laki nito at hindi ko sya makita. Teka? Sya bayun yung nakaupo sa dulo? May kalusugan yung pangangatawan nya at parang may hinihintay sya. Sya naba yun? Lalapitan ko naba sya? Nagsimula nakong maglakad papunta dun sa lalaking nakita ko ng biglang pumukaw ng pansin ko ang isang lalaking nakaupo malapit sa bintana, nakangiti sya at kumakaway. Kinunot ko yung mga kilay ko at nagtaka, lumingon ako sa likuran ko para tignan kung meron bang tao na nakasunod sakin. nang makita kong wala binalik ko ang tingin ko sa lalaking kumakaway at this time tumayo na sya sa pagkakaupo nya, nagulat ako dahil ang tangkad nya pala! 5'8 ako pero sya tansya ko siguro mga nasa 5'11. Medyo may kaputian sya at ang kinis ng mukha maganda rin ang pangangatawan nya lalung lalo na yung smile nya. Sobrang ganda! OMG! Dumikit na ata yung mga paa ko sa sahig! Hindi ako makagalaw. "Paulo." Sabi nya habang kumakaway parin at nakangiti, hala yung puso ko! Sobrang bilis. Nang nakaipon ako ng lakas agad akong naglakad palapit sa kanya. "A-archee?" Sabi ko na sinagot naman nya ng pagtango. Sumenyas sya na umupo ako na agad ko namang ginawa. Grabe! Totoo ba tong nakikita ko? Ang gwapo nya! Ito ba yung pakiramdam na kinikilig? Gosh kalma lang! Kaya kong itawid to. Kinamusta nya ko at ganun din naman ako. Habang sa pag uusap namin nagulat nalang ako ng biglang lumapit samin yung crew at nilagay samin yung pagkain, sobrang natutuwa ako kasi nakaorder na pala sya. Kahit hindi ko gusto yung inorder nya para sakin bakit parang ang sarap sarap parin? Halos hindi kami naubusan ng kwentuhan pero nahihiya parin akong kausapin sya at tignan sa mga mata, ako lang ba ang nakakaramdam nito saming dalawa? Halos lumipas na ang oras at patuloy parin kaming nagkwekwentuhan na parang inaalam namin yung buhay ng isa't isa. Well, actually sya lang yung nagtatanong, sumasagot lang ako sabay ibabalik ko sakanya yung tanong nya. Ayoko naman yung ganito na sya at sya lang ang nag iisip ng tanong kaya naman... "So ano palang club mo sa school?" Ha? Bakit sa dinami rami na pwedeng itanong bakit ito pa? Sobra akong kinakabahan. "Ah kasama ako sa news club, photographer ako." Napaisip ako bigla. Alam nya kaya yung ginawa ng vice president nila sakin? Better kung wag ko nalang i-brought out. "Wow! So mahilig ka palang kumuha ng picture!" Sabi ko sabay ngiti. "Pre alam mo ba yung isa kong kaibihan grabe! Mahilig kumuha ng picture!" "Talaga!? Nasan na sya ngayon!?" "Wala pre naghihirap parin!" Usapan ng nasa likuran naming table. Napatigil kaming dalawa sa pag uusap at nag ngitian. Pero sandali lang.... parang pamilyar sakin yung boses ng mga nag uusap sa likod namin ha!? Nako baka nagkakamali lang ako. "So beside sa photography saan ka nahihilig!?" Tanong ko nalang para mag iba yung atmosphere namin, kung bakit kasi photography rin yung pinag uusapan ng nasa kabilang table eh! "Uhmm...mahilig din akong mag volley ball." "HAHAHAHAHAHA! Pre naglalaro ka ng volleyball that's so lame! Larong babae. Ba't di ka mag basketball!" Nagulat kaming dalawa ni Archee ng biglang tumawa yung nasa likod namin! Pinagtatawanan ba nila kami? O Pinapakinggan ba nila yung pinag uusapan namin! Di nalang namin pinansin yung mga nasa kabilang table pero gusto ko na silang lingunin para awayin! Pero baka nagkataon lang. "So ano favorite food mo?" Nahihiya kong tanong. "Ahhmmm di naman ako picky pero hindi ako kumakain ng any sweets." Napalunok ako ng laway ng marinig ko yun. "Actually ayoko talaga ng sweets kasi napaka unhealthy, kaya nga di ko maintindihan yung mga taong mahihilig sa sweets eh sobra kayang nakakataba nun especially cakes, brownies ganun." Dagdag nya pa. "Eh Ikaw? Mahilig kaba sa sweets?" OMG! Pasok ate Moira! Sabayan ng tugtog ?at tumigil ang mundo?. Hindi ko alam pero parang pinagpawisan ako ng malamig sa tanong nya, bigla tuloy akong napainom sa watermelon juice ko. "Ha? Ako? Aaaahhhh Hindi? Hindi rin ako mahilig sa sweets!" Sabi ko sabay ngiti. Pero nagulat ulit kami ng marinig namin na parang may nagbuga ng tubig sa kabilang table. "Okay ka lang?" "Hindi ka mahilig sa sweet eh para ka ngang ma mamatay kapag di ka kumain ng matamis eh! Hahahahahaa!" Okay that's it hindi nato coencident kami na talaga tong pinaparinggan nitong nasa likod namin na table. Lumingon ako sa kanila. "Ah excuseme! Pinagtatawa----" napahinto ako sa pagsasalita ko at biglang napalitan yung galit ko ng pagtataka ng makita ko ang itsura sa likod ng mga boses ng pangungutya sa pag uusap naming dalawa ni Archee. Tatlo sila at nakasuot sila ng jacket nakatago yung ulo nila sa hood ng jacket at nakasuot din sila ng face mask. Yumuko ako ng kaunti pari silipin yung mukha nila pero pilit nila itong tinatago at yumuyuko pa sila para hindi ko makita. Okay! So ito pala yung mga nanunubutahe ng first date ko ha! Akala naman siguro nila na hindi ko kilala yang mga jacket nayan! Hello kasama yan sa mga nilabahan ko! Buset talaga tong tatlong to! At talagang nag effort pa sila na sirain yung date ko ha! At pano nila nalaman na dito kami magkikita!? Tatanggalin ko sana yung hood nung malapit sakin ng biglang magsalita si Archee. "Hayaan mona Pau. Tara na, alis nalang tayo. May pupuntahan parin kasi ako eh." Sabi ni Archee. "Ahh ganon ba? Sige uuwi narin ako baka kasi hinihintay nako ng TATLO KONG HOUSEMATE! Siguro naman nasa bahay nayung mga yun! Tara na!" Yaya ko narin kay Archee. Haha humanda kayo sakin tatlo sa bahay pag nalaman ko talaga na kayo yang tatlong yan. Talagang sinira nyo pa tong first date experience ko ha. Paunahan nalang tayong umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD