Chapter 19: why?! No!?

1569 Words
"Ha? A-anong sinasabi mo?" "Yung sinabi mo kay Joan, ano nga ulit yun?" Sabi nya sabay lapit pa ng mukha nya na talaga namang nagpatigas ng buo kong katawan, kailan pa sya naging ganito?!!! s**t! Yung puso ko sobrang bilis ng t***k! Sobrang lapit ng mukha nya! Aaaaahhhhh! "Na-na-narinig mo yun?! Ha? A-ano... a-ano----" *open door Napatingin ako ng biglang bumukas ang pintuan ng storage room sobrang lakas ng tunog nito isabay pa yung puso ko na halos matanggal na sa sobrang kaba. "Owww..." sabi ni Dave habang nakatingin sa posisyon naming dalawa ni Zeus. Na sa unang tingin akala mo may milagrong mangyayari saming dalawa. "Sorry, didnt mean to bother you." Sabi nito sabay nagmadaling lumabas. Pero pumasok ulit sya. "Ahhh.. Zeus, may naghahanap pala sayo sa labas." Gulat na gulat parin ang itsura ni Dave sa nakita nya pero halata mo na parang pinipigil nya lang to. "Teka, Dave! It's not what you think! Daaaaave!!!!!" Sigaw ko pero nakalabas na sya ng pinto. Ohmygad! Nakakahiya to na nahuli nya kaming dalawa ni Zeus sa ganitong posisyon. Bakit ka umalis? Heeeelp me! Mangingiyak ngiyak nako sa kahihiyan habang nakatingin ako sa pinto na dahan dahang sumasara. Binalik ko ulit ang mga tingin ko sa lalaking nakatitig sakin. Pipikit na sana ako kasi feeling ko hahalikan nya ko, pero... "Don't worry, alam ko naman na hindi ka seryoso nung sinabi mo yun, kaya hindi mo kailangang umiwas sakin." Natatawa nyang sabi, sabay umatras sya ng isang hakbang palayo sakin, whew nakahinga ako ng maayos. Tumingin sya sakin habang pinipigil yung pagtawa nya sabay alis pero bago sya umalis kitang kita ko talaga yung pag ngiti nya, ohmygad! Ano bang nangyayari? Ang bilis ng t***k ng puso ko na para bang gustong kumawala sa dibdib ko. Sobrang nakakahiya at kailan pa sya natutong umasta ng ganun? Sa pagkakakilala ko sakanya tahimik sya at expresionless pero kanina... ohmygad! Aaaaang hooooot nya!!!!!!! Seductive... Pagkalabas ni Zeus hindi muna ako lumabas ng storage room at pinakalma ko muna ang nagbabaga kong damdamin. Nang kumalma nako, lumabas ako at nagtuluy tuloy sa counter kung nasan si Mae. "Oh anong nangyari sayo? Ba't ang pula pula ng mukha mo? Malamig naman sa storage room ha?" Puna ni Joan ng makita nya ko habang natatarantang pinupunasan yung mesa sa tabi ng counter. "Ha? Anong namumula? Hindi ah." Sabi ko sabay hawak sa isa kong pisngi. "Eh bakit ganyan itsura mo?--" napatingin ako sakanya at napahawak sa dibdib ko na para bang nahihirapan ng huminga. "Ohmaygod! Are you getting a heart attack?, Is it finally time?!" "Siraulo!" Sabi ko sabay himinga ng malalim. "Nako don't tell me may nangya----" Di pa tapos magsalita si Joan agad naman akong napatago sa ilalim ng counter ng makita ko na may palapit saming dalawa. "Anong-- aaaahhh...... okay, okay. Gets ko na. Hi Zeus!" Sabi ni Joan ng dumaan sa harap namin si Zeus. "Labas lang ako saglit ha, may kakausapin lang ako." Sabi ni Zeus. "Okay sige. Take your time.' pabebeng sagot ni Joan sabay tingin sakin. "May nangyari nga." Pahabol pa niya ng makaalis si Zeus sabay tawa. Yumuko si Joan para tignan ako ng malapitan. "Wala na! Pwede kanang tumayo! Ganda mo rin eh no!" Pang aasar nya. "Anong sinasabi mo? Nililinisan ko lang dito sa ilalim ng counter, marumi na pala nu?." Pagdadahilan ko. Habang hinahawakan yung daliri ko na pinahid sa ilalim ng counter. Sumilip ako ng bahagya para makita ko si Zeus habang papalabas ng store. Tumakbo ako malapit sa lamesa ng mga estudyante kanina na narinig ko na nagkwekwentuhan at sumilip sa labas. Nakita ko yung likod ni Zeus, sino ba yung kausap nya? Sa kagustuhan kong makita kung sino yung kausap nya hindi ko namalayan na nasagi ko na pala yung drinks nung customer. "Ay sorry!" Sabi ko, agad namang tumakbo si Dave para linisin yung basa sa lapag. "Ano ba kasing ginagawa mo? Okay kalang ba?" Tanong ni Dave. "Sorry Dave." Sabi ko na sinagot naman nya ng ngiti at sinabing kung gusto kong magpahinga umupo muna ako sa likod, na agad ko namang ginawa, oo pumunta ako sa likod pero umikot din ako papunta sa harap hahaha. Dahan dahan akong nagtago sa likod ng mga bush para makita at marinig ang pinag uusapan nila Zeus. Teka nga!? Bakit ko ba to ginagawa? Bakit ba ako nakikielam sa buhay nya? Sige na nga sisilipin ko lang kung sino kausap nya bago aalis nako. Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at agad rin akong napaupo sa sobrang gulat ng makita ko ang babaeng kausap ni Zeus, pamilyar sakin ang mukha nya! Si Mary Ann! Napaupo ako sabay nakaramdam ng kirot sa puso ko? Sila naba ulit? Hindi! ang alam ko hiwalay na sila, pero bakit pinupuntahan pa sya ng girl? At bakit kahit sa school pinupuntahan sya nito?! Ayan ang mga tanong na umiikot sa ulo ko habang nakaupo sa likod ng mga halaman. "So it's a date then?" Sabi ni ate mo girl. "Uhm.." sagot ni Zeus. "Shall i wait?" "Uhm. Puntahan nalang kita, Malapit naman na out ko." "Zeus! Nakita mo ba si Pa-----u!?" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Rad mula sa pintuan ng resto. "Wala ba sa storage?" "Wala eh, nasa likod lang sya kanina eh tas nakita ko na pumumta sya dito kala ko kausap mo? Ow! Hi Mary Ann." "Hello Rad." Napakagat ako ng labi sa sobrang kaba, baka kasi makita ako ni Zeus at isipin na nakikinig ako sa pinag uusapan nila. s**t! Anong gagawin ko? Bakit naman kasi kay Zeus pa nya ako tinanong pwede naman kay Dave or kay Joan! Wait anong gagawin ko?! Dahan dahan akong gumapang sa dulo ng mga halaman para kunwari galing ako sa malayo sabay mabilis akong tumayo. "Oh! Andyan pala kayo? Hello!" Patay malisya ako sabay kumaway sa tatlong taong nakatingin sakin ngayon, pero ang itsura ng mga mukha nila parang naguguluhan, hala, baka nafeel nila na galing lang ako dito sa likod ng halaman. Ngumiti ako sakanila." Whew! grabe napagod ako galing ako duon (tinuro yung daanan sa malayo) Tumingin ako kay Zeus na ngayo'y nakasibangot sakin, well sa tagal ko na syang kasama alam ko na kung anong ibig sabihin ng ganyan nyang expression, hindi yan galit na nakasibangot ayan yung sibangot na alam nya na may mali or may binabalak na naman akong masama. "Owh! Hahaha! Sige, sige. Una nako!" Sabi ko sabay kumaripas nako ng takbo papunta sa likod, narinig ko pa si Rad na tinatawag ako pero hindi ko na sya pinansin. Hindi pako nakakalapit kay Joan sinalubong nya agad ako ng sermon. "San ka galing? Kaninan kapa hinahanap ni Rad!" "Ah duon lang, nagkita na kami sa labas, pero teka!" Sabi ko habang hinahabol ang paghinga. Lumapit ako sa tenga ni Joan para bumulong. "May sasabihin ako sayo." Tumingin lang sakin si Joan. "Andyan sa labas yung rumored girlfriend ni Zeus?!" "Haaah!!!!" Sigaw ni Joan. "Wag kang maingay!" Sabi ko sabay yumuko kami parehas para sipatin yung nasa labas, grabe muka talaga kaming mga professional tsismosa. "Pero teka, anong sinasabi mong rumored girlfriend? Eh diba, sila talaga?" Tumingin ako kay Joan ng masama habang tinatanaw nya ang dalawa sa labas, hanggang tumingin ulit sya sakin ng maramdaman nyang nakatitig ako ng masama sakanya. "Ay sorry." Sabi nya sabay ngiti at nag peace sign. "Ano kayang pinag uusapan nila?" "Magde-date silang dalawa..." Sabi ko sa mahinang boses. "Ha!? Seryoso kaba dyan? Silang dalawa?! Kailan?" "Mamaya raw...." Nagulat ako ng biglang hinawakan ako sa balikat ni Joan. "Sundan natin sila!" "Ha?" "Sundan natin yung boyfriend mo at yung kabit nya, sirain natin date nila! Hwahahahaha!" Sabi ni Joan na halata mo na parang enjoy na enjoy sya. "Sira, mamaya mahuli tayo eh, isa pa di ko naman sya boyfriend eh, hindi pa." "Asssusss. Pabebe kapa, mahuli-huli ka dyan? Pero teka di ko lang maintindihan kung pano mo nalaman na magde-date sila?!" Napalunok ako ng laway at napatingin kay Joan. "Sinong mag de-date?" "Boyfriend nito." Sabi ni Joan sabay turo sakin. "May boyfriend kana?" "Ayun oh! kasama yung kabit." Sabi ni Joan sabay turo kila Zeus at Marry Ann. "Huy, kung anu anong sinasabi mo." Sabi ko sabay tumingin ulit sa dalawang taong nasa labas. Pero bigla akong napaisip, diba dalawa lang kami ni Joan?! kanino galing yung isang boses? Nagkatinginan kami ni Joan na may kasamang pagtataka at agad na napatingin sa likuran namin. "Deee-Dave!" Sabi ko sa gulat na gulat na boses. Ngumiti lang sya sakin. Agad kong iniling yung ulo ko. "Hi-hindi, hindi nag----" Bigla naman nyang hinampas hampas ng mahina yung balikat ko habang nakangiti na kala mo may nadiskubre sya na matagal na nyang hinahanap. "Dave...." Umiling lang sya sakin. Na parang ayaw nyang tanggapin yung paliwanag ko. "Anong ginagawa nyo dyan? Maraming customer oh!" Nagulat kami at agad napatayo at napabalik sa ginagawa namin ng makita namin ang manager ng restaurant. "Uy, Pau. Patulong pala ako sa storage." Sabi ni Rad pagkakita nya sakin. "Teka, tawagin na natin si Zeus oh, baka pagalitan na sya ni sir Manager." Sabi ko habang nakatingin sa dalawang lovers na nag uusap sa labas. Tumingin din si Rad kung san ako nakatingin. "Naaaah, di yan papagalitan. Tara na!" Sabi nito sabay naglakad na papuntang storage room. "Sure ka?" Sabi ko. "Mauna na tayong umuwi para masundan natin sila. I got you girl!" Bulong pa ni Joan ng mapadaan ako malapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD