Natapos namin ni Archee ang isang kanta at ang dami rin naming napag usapan sa buhay buhay namin pero kalahati nyun puro tawanan lang kami at hiyaan. "Gusto mo labas tayo saglit?" "Ha?" Sabi ko. Nilapit ni Archee yung mukha nya sa mga tenga ko para marinig ko yung sasabihin nya. "Labas tayo saglit." Napatango lang ako sa sinabi ni Archee sabay tumingin muna ako sa 3 annoying men na bising-busy parin sa mga umpok ng estudyante na nakapaligid sakanila. Actually nagulat talaga ako ng bigla akong yayain ni Archee sa labas ng gymnasium namin naglakad kami sa di kalayuan at umupo sa bench sa harap namin may mga puno at tatlong vending machine. Nakatalikod kami ngayon sa gymnasium pero halos naririnig mo parin ang tunog mula sa loob. Umupo ako sa bench habang si Archee naglakad sa vending

