Napakamot ako ng ulo dahil ring ng ring ang alarm clock. Kinapa ko ito para pahintuin ngunit nangunot lang ang noo ko dahil iba ang tunog. Hindi naman kasi ganito ang alarm clock ko, masyadong mahinhin iyon kaysa rito na parang gigibain ang utak ko. “La? Sino nagchange ng alarm clock ko?” Humikab ako at nag inat ng kamay habang napapikit pero pagbukas ko ng mata ay ibang kulay ng kurtina ang nadatnan ko. Lumalabo ang mata ko dahil hindi ko suot ang eyeglasses ko. Wait, ang contact lenses ko! Agad-agad akong tumakbo sa malapit na salamin at chineck ang mata ko. Anong– ba’t wala akong suot? Hala, hindi kaya bumaon?! Nearsighted naman ako at kaya ko pang makatingin sa malapit. Kaya ko namang maglakad ng walang suot na salamin pero nasanay lang talaga akong may suot. Dahil sa pagkataranta

