"Laurene! Where are you?!" Minulat ko ang aking mata nang marinig ang boses ni Sheriah. Lumiwanag na ang paligid at nasa gitna pa ako ng dance floor. May mga tao rin naman ang nasa dance floor pero para akong tangang pumipikit roon. Luminga ako sa paligid at umaasang baka nandito pa siya pero ibang mga mukha na ang mga nakikita ko. Nakaramdam ako ng pagkadismaya. "Nandito ka lang pala!" Agad na sabi ni Sheriah nang makita ako. Nangunot ang noo ko, nanaginip ba ako ng gising? Hinawakan ko ang labi ko at ramdam ko pa rin ang dampi ng labi niya. Alam kong siya iyon. "A-anong nangyayari?" Wala sa sarili kong sambit. "Buti natanong mo. May nagturn off ng breaker kanina! Hindi rin alam kung sino pero mukhang sinadya!" She explained with her voice taking on a slightly annoyed tone. "Sina

