Abot tenga ang ngiti ni Rycko habang nakatingin sa kalawakan ng lupain na pag-aari n'ya na ngayon ay sinisimulan ng bakuran. Katas ng social media. Hindi n'ya akalain na makakapundar s'ya ng sarili n'yang lupa tiyak na matutuwa si Summer kapag nalaman nito ang ang tungkol dito. Wala pa naman itong kabilid-bilid sa kanya gugulatin n'ya ito, isasampal n'ya rito ang titolo ng lupa n'ya sa kanya nakapangalan. Hindi pa n'ya sinasabi sa kaibigan dahil gusto n'ya hawak na n'ya ang titolo para masaya ang sampalan. Konting kembot na lang din tapos na n'ya ang ini-no-drawing n'yang plano para sa bagong bubuksan na project na ito gamit ang lupang binili n'ya. Ka sosyo ang lahat ng mga Lagdameo na pinsan ni Summer, hindi s'ya kumuha ng mga matatandang investor at mga batikan ng investor gusto n'ya m

