"Anong klaseng kasuotan yan, mukha kang disco ball," ani Devin ng pababa si Rycko ng hagdan kasama si Summer. Attend kasi sila ng awarding night para sa best influencer of the year. Last year kasi hindi s'ya naka attend dahil wala s'ya sa mood. Wala s'yang ka date. "Sobra ka naman Devin." ani Odette na hinapas ito sa balikat saka sinalubong ang anak-anakan. "Ang pogi-pogi kaya ang anak ko. Wag mong pansinin ang Daddy Dev mo, na iingit lang yan kasi matanda na s'ya." ani Odette. "Mommy, nung kasing edad ako ni Rycko baka kahit dumi sa kalingkingan ko hindi s'ya umabot. Diba mahal." ani Devin sa asawa. "S'yempre naman ikaw kaya ang pinaka guwapo." sang-ayon naman ni Ara na yumakap pa sa asawa. "Ayaw ko ng umattend." wika bigla ni Rycko na tumalikod na paakyat kaya nag tawanan ang lahat.

