"Mga ngitian mo abot tenga nanaman si oppalicious manialicious nanaman ang dahilan ano." "'Di ka sure." ngisi ni Summer habang nasa harapan ng computer n'ya sa loob ng maliit na office ng shop n'ya habang nag papaikot-ikot sa swivel chair n'ya. "Kadiri ka!" natatawang turan ni Shine. "Mukha kang shonga te." "Bakit ba sa masaya ako today." "Kasi nga dahil kay Rycko James, kailangan ko na ba s'yang tawagin na kuya." humawak naman bigla si Summer sa gilid ng mesa para tigilan ang pag-ikot ng upuan saka inilapit ang mukha sa camera ng laptop. "Anong ibig sabihin kapag meron isang guy na nag bigay sa'yo ng titolo ng lupa." "Land broker ka ba?" natatawang tanong ni Shine. "Seryoso." "Baka nag sasanla sa'yo." "Hindi." iling pa n'ya. "Hindi ko rin maintindihan, linawin mo kaya." "Meron

