"Gusto mo ipa-albularyo na natin si Shine?" tanong ni Rycko habang nakatanaw sila sa kapatid na palayo ng mag-paalam na ito na kailangan na daw nitong umalis dahil may pictorial pa daw ito bukas ng maaga kailangan mag beauty rest daw dahil sa beach gagawin ang shoot nito for calendar girl. "Nag-aalala na talaga ako sa kanya." "Bakit naman?" "Wala talaga akong tiwala dun sa jowa n'yang bago." "Sino yung guwapong AFAM?" tumango naman si Summer. "Tingin ko naman maayos s'ya kasi kung hindi, hindi para abalahin n'ya ang sarili n'ya na tulungan ako nung nag hahanap ka ng itlog na puti nag effort pa s'ya noon." "Uto-uto ka naman kasi." simangot ni Summer. "Grabe ka! Ka popropose ko pa lang sa'yo inaaway mo na ako. Ang galing pa ng giling ko kanina tas ganyan lang nakakasama ka ng damdami

