HINDI malaman ni Erin kung ano ang gagawin habang nakaupo sa evacuation center. Si Angelie at Nikki ay magkatabing natutulog sa sahig at nasasapinan lamang ng manipis na banig. Kailangan ng dalawa ang matulog dahil mamayang gabi ay may trabaho pa ang mga ito. Kailangan nilang magpatuloy sa buhay ngunit hindi alam ni Erin kung paano siya uusad gayong kahit isang sentimo ay wala siyang hawak. Gustuhin man niyang humingi ng tulong sa mommy niya pero pinipigilan siya ng kaalamang baka makarinig lang siya ng masama mula sa daddy niya. Baka sabihin nitong ang lakas ng loob niyang maglayas tapos gayong may nangyaring masama ay uuwi siya at hihingi ng tulong sa kanila. Nahihiya siya and at the same time ay natatakot sa maaaring ipamukha sa kaniya ng ama. Mabuti na lamang at may mabubuting kaloo

