ERIN and her team has finished working on her music video. Kaunting editing na lang iyon at ready na para sa kompetisyon. Kasalukuyan siyang nag-eempake ng kaniyang mga gamit dahil mamaya lamang ay babalik na sila ng Maynila. Narinig niyang nagpapasalamat si Celine at ang direktor sa staff ng Acuaverde Resort habang si Lyndon naman ay nagkasya na lamang sa pagmamasid sa paligid. Pagkatapos ng sagutan nila kahapon ay hindi na ulit sila nakapag-usap ni Lyndon maliban na lamang kung tungkol sa trabaho nito. Hindi na ito lumalapit sa kaniya o hinawakan siya. He’s clearly distancing himself from him, bagay na nagdudulot ng sakit sa kaniyang dibdib ngunit siya namang dapat na mangyari. “Maauna na akong aalis, Celine,” aniya nang makalapit ang manager niya sa kaniya. “Why in a hurry? Nagpapl

