DALAWANG araw ang mabilis na lumipas at hindi nanagkaroon ng kahit ano’ng insidente na nanganib ang buhay ni Erin. Kahit saan ito magpunta ay lagi na nitong kasama si Lyndon. Celine postponed the shooting of Erin’s music video kung kaya nabakante ang oras ng dalaga at naigugol nito sa pamamahinga. “Nasaan ba si Celine ngayon?” tanong niya sa dalaga habang nakatutok sa daan ang mga mata. Kagagaling lang nila sa grocery store at pauwi na rin sa bahay nito sa Sta. Cruz. Pinili nilang gabi na mag-grocery at almost closing na ng store para wala masyadong tao at hindi siya dumugin ng kaniyang mga fans. Napagpasyahan ni Erin na doon muna manatili dahil mas malaki ang bahay nito doon kumpara sa condo unit nito at mas makakapagpahinga siya roon ng mabuti. Naghilom na ang sugat niya sa talampaka

