THE NEXT evening ay muling naghanda si Erin para sa interview sa kaniya ng ni Veronica sa Famous and Fame. She was only wearing a ripped skinny jeans and an off-shoulder crop top na kita ang pierced navel niya. Naroon siya sa back stage at kasama si Celine habang si Lyndon ay alam niyang naroon na sa audience para magbantay sa kaniya. Ilang networks na ang nag-invite sa kaniya ng interviews ngunit hindi niya agad tinanggap dahil nauna na siyang magsabi kay Veronica. Isa pa’y nararamdaman niyang hindi siya gigisahin ni Veronica kapag dito sa programa nito gagawin ang interview tungkol sa nangyari sa pagitan nila ni Andrew. She just finished retouching her makeup when the program staff came to her. “Miss Erin, it’s time,” imporma nito. Narinig niya ang boses ni Veronica na ipinakilala an

