SA MAHABANG hapagkainan sa dining area ng Royal Palace ay magkakasabay na kumakain ang lahat, hindi maiwasan ni Aza na hindi ma concious dahil ngayon lang siya kumain ng maraming kasabay at ang iba pa sa mga ito ay mga royal blood. Kahit wala si Raizen hindi parin niya maiwasan na kabahan dahil hindi pa siya ganun kasanay sa mga taong kasama niya maliban kina Ash. Hindi rin maiwasan ni Aza na tapunan ng tingin ang binabanggit ni Yvana na sa kaniya na prinsesang may malaking gusto kay Raizen. Hindi mapigilang ma-insecure ni Aza dahil sa ganda nito, para itong manika at makikita ang pagka elegante nito kumpara sa kaniya. "Masaya akong makabalik sa Royal Palace mahal na Reyna." malawak na ngiting ani ni Euphi na ikinahanga ni Aza dahil fluent din ito magsalita ng tagalog. "Mabuti kung gan

