MGA NATUTUMPUKAN ang ilang mga tao na napapadaan sa tabi ng Oz Adverstising Company dahil sa gulong nangyayari. Hindi inasahan nina Mia ang hakbang na ginawa ni Wilton, nabigla nalang sila ng dumating ito at may kasamang mga tao na gigiba sa Oz building. At dahil ayaw iyon mangyari nina Mia ay pilit nilang hinaharangan ang mga ito. "Miss ano ba? Huwag nalang kayo humarang sa gagawin namin." sita ng isang tagagiba na ikinailing ni Mia. "No! Hindi namin hahayaan na sirain nyo ang Oz na pinaghirapan naming itayo, kaya hindi niyo ito puwedeng gibain!" nagpipigil na iyak ni Mia habang magkakahawak silang kamay nina Lena at C.C upang hindi magawa mga ito ang balak nila. "Huwag na kayong magmatigas pa girls,binigyan ko kayo ng chance pero anong ginawa nyo?Inilayo nyo si Aza sa akin, ayaw ni

