ANG AKALA ni Aza na hindi siya makakatulog ayos dahil sa kuwarto na kinalalagyan niya ay kabaligtaran sa mahimbing na pagkakatulog niya, payapa siyang nakatulog kagabi dahil pakiramdam niya ay may malamyos na mga kamay na humahaplos sa kaniya. Dahan-dahang minulat ni Aza ang kaniyang mga mata at dahahn-dahan na bumangon sa kaniyang pagkakahiga, bahagya niyang iniunat ang kaniyang dalawang kamay bago niya nilingon ang wall clock na napansin niya sa may bandang unahan niya. “Umaga na pala, akala ko hindi ako makakatulog ng ayos.”ani ni Aza ng mapalingon siya sa puwesto ni Raizen na nakaupo sa sahig at nakapikit na nakasandal sa pader, dahilan upang mapagmasdan niya ang kabuuan ng mukha nito. Nakakatawa, magmamahal lang ako ‘yung lalaking mukhang one sided love lang ako. Ani ni Aza sa kani

