Bumuntong hininga ang dalaga habang nakatingin sa itsura niya sa salamin. What a year to start. Ilang buwan na ang lumipas and she’s doing great she can say. Araw-araw mas naa-appreciate niya ang sarili especially at start na ng second-semester. Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasang magmukmok. Pero hindi na ganoon kalala. Araw-araw siyang nagdadasal na sana ay okay lang siya. Na sana ay makayanan niya ang bigat at sakit hanggang sa tuluyan ng mawala iyon. May event sa school nila ngayon. Cini-celebrate ang foundation day kaya nakasuot lang siya ng civilian. “Good morning, Bulma girl.” Rinig niyang bati ni Mia. Ang aga nito ngayon. Lumabas na siya ng banyo at nakita si Mia na prenteng nakaupo sa couch. Mukhang good mood ito. “Hi girl, ganda mo ah,” bati nito sa kaniya. Nginitian

