Kyla's POV . Intimate . . "Gaano ba ka importante sa inyo mga babae ang isang engagement ring?" tanong ni Enzo na ikinatawa ko. "Ano? Well, importante. Ito kasi ang puso mo, Enzo. You offer your heart on that ring to the woman that you want to spend the rest of your life. Kaya importante," ngiti ko at tumango agad siya. "Paano kapag ang singsing na iyon ay galing pa sa henerasyon at medyo luma na. Gusto mo pa rin bang suotin ito?" . Sumeryoso ang mga mata niya habang tinatanong niya ito sa akin ito. He's staring at me seriously and I looked away. Mas tinitigan ko na lang ang magandang dagat sa harapan ko. . "Then it is more valuable, Enzo. Kung ako ang babaeng iyon ay susuotin ko. Kahit pa luma na ito," titig ko pabalik sa kanya. "Mas maganda nga ang singsing na iyon dahil may

