Chapter 28. Password

1917 Words

Kyla's POV . Password . . "Ma'am Kylie ako na po. Baka pagagalitan ako nito ni Doc Enzo," tugon ni Karing at tumabi na siya sa akin. Pilit na inaagaw ang itak sa kamay ko. "Ako na, Karing. Hayaan mo na ako. Wala na nga akong ginagawa sa loob hanggang dito ba naman wala rin akong gagawin." . Tinutulungan ko kasi siya sa pagputol ng panggatong na kahoy. at paglilinis sa dirty kitchen. Kakaiba kasi ang bahay na ito. May dirty kitchen sa labas, at dito madalas niluluto ni Karing ang inihaw at iba pang tradisyonal na lutuin. Naalala ko lang din si Nanay Melinda, ganito rin kasi ang ginagawa namin noon. May maliit din kaming dirty kitchen sa labasan. . "Alam mo, Miss Kylie. Hindi ko inakala na marunong ka pala nito. Natutunan mo ba ito sa mga pelikula mo?" ngiti niya at nahinto na ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD