Kyla's POV . Complete . . Malaki ang bahay nina Enzo at namangha lang din ako. Nasa tuktok ng bundok ito at tanaw mo ang buong karatagan mula rito. Mabuti na lang at nakakapasok ang sasakyan nila. Ang tirahan kasi namin noon ni Nanay Melinda ay nasa tuktok rin pero hindi makakapasok ang sasakyan, kaya pahirapan ang akyat hanggang sa itaas .Pero masaya iyon, dahil araw araw ang ehersisyo ko. . Ngayon naisip ko si Nanay, kailangan kong ipaalam sa kanya na nandito ako sa Sorrento, at kapag nakaluwag na ako ay dadalawin ko siya mag-isa. . "Salamat, Karing," tugon ng Mama ni Enzo sa isang katulong nila. Tumitig si Karing sa akin at ngumiti na. Ngumiti rin ako. Pinay rin siya at mukhang bata pa. "Sir, siya ba ang asawa mo?" tanong niya kay Enzo na nakangiti. "Oo, Karing. She's my bea

