Kyla's POV . Mercy . . "Hindi ka kumain?" tanong ni Dominic nang pumasok siya. . May bitbit siyang bagong pagkain. Ang totoo kumain ako ng konti pero walang silbe ito dahil isinuka ko lang din. Panay ang tawag ko sa kanya kanina, pero parang wala siya. Pakiramdam ko kasi mahihimatay na ako at wala ng maisuka ang bituka ko. Hihingi sana ako ng maligamgam na tubig at konting lemonsito na may asukal. . Mahina akong napaupo sa kama at nahihilo ang pakiramdam ko. Pilit na tinatagan ang sarili. Alam kong dala na rin ng pagbubuntis ko ang nararamdaman ko ngayon. . "Pahinge ng mainit na tubig, Dom at konting asukal na may lemonsito, please..." mahinang tugon ko. . Ang gulo-gulo na ng mukha ko at ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Napaluhod siya sa harapan ko at inayos ang buhok ko. Na

