"Malayo pa po ba tayo.?" Naiinis na tanong ni Anastasia sa kanyang driver.
"Ma--malapit na po Ma'am." Nauutal na sagot nito na ikina'ikot ng mata nya.
Every time na lang ba na kakausapin nya ang mga empleyado nya ay mauutal ang mga ito.? Hindi naman sya halimaw para katakutan for pete's sake.!
She's a goddess.! Pero kung umasta ang mga ito ay para syang may dalawang sungay sa ulo dahil kung hindi mamumutla ang mga ito ay mauutal naman.
"Bilisan mo.! Masyado na akong naiinip rito.!" Pasigaw nyang utos rito na agad din naman nitong sinunod.
Pero kamuntikan na syang mabagok sa upuan ng bigla itong nagpreno. Nasa likuran pa naman sya at walang seatbelt na suot.
"What the f**k manong.?! May balak po ba kayong patayin ako.?!" Galit na nyang sigaw rito. Pansin nyang napaigtad ito sa lakas ng boses nya.
"Pa--pasensya na po Ma'am. May bata kasing biglang tumawid ng kalsada." Sagot ng kanyang driver na halatang kinakabahan.
"Stop that goddamn excuse of yours.! Patakbuhin mo na lang itong lecheng kotse.!" Naiinis at galit nyang sabi kaya agad na namang tumalima ang kawawang driver.
Mainit na nga ang ulo nya dahil tinanggihan sya ng boyfriend nyang sumama sa kanya, tapos dadagdag pa sa sakit ng ulo nya ang driver nyang ito na mukhang hindi marunong magmaneho ng maayos.
"Nandito na po tayo sa resort ma'am." Sabi ng kanyang driver na hindi nya pinansin.
Padabog syang lumabas ng kotse at walang pasabing sinara ang pintuan ng ubod lakas na kulang na lang ay masira iyon.
"You.!" Duro nya sa kanyang driver na nagulat sa kanyang ginawa. "You're already fired.! Maghanap kana ng ibang trabaho, and here.! Iyan na ang sahod mo at separation pay." Dugtong ni Anastasia bago inabot ang cheque sa kanyang driver na tulala lang na nakatingin sa kanya.
"Pe--pero Ma'am. Kailangan ko po ang trabahong ito. Maawa na po kayo sa akin, buntis po ang asawa ko." Pagsusumamo ng lalaki pero hindi sya pinakinggan ng huli.
"Wala akong paki'alam.! Ayoko ng empleyadong bobo at hindi nag'iingat. Kunin mo na ito at umalis kana. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo.!" Sigaw nya rito at tahasang inilagay sa palad nito ang cheque at iniwan itong naiiyak roon.
"Anastasia apo, ano na naman bang nagawa ng driver mo at mukhang tinanggal mo na ito sa trabaho.?" Tanong ng kanyang lola Elizabeth na ina ng kanyang ama.
Mula kasi sa pwesto ng matanda ay makikita mo ang driver nyang lulugo-lugong lumabas ng resort.
"As usual po. Hindi po nag'iingat. Aba't.! Muntikan pang masubsob ang pagmumukha ko kanina sa upuan ng kotse dahil sa biglaang pagpreno nya." Sagot nya sa matanda pagkatapos nyang bumeso rito.
"Apo naman, bakit mo tinanggal agad.? Sana binigyan mo muna ng pagkakataon yung tao. Abay.! Pangalawa na iyang driver mo ngayong buwan na ito ah.! Baka sa susunod eh wala nang gustong magtrabaho sayo." Naiiling na lamang na sabi ng matanda dahil sa pagiging mainitin ng ulo ng kanyang apo.
"I don't care La. Kaya kong magmaneho sa sarili kong kotse. Sila Dad lang naman ang may ayaw na magmaneho ako ng kotse."
"Dahil alam nilang kaskasera ang kanilang bunso kaya naghihigpit ang ama mo. Nag'aalala lang naman sila sayo apo." Paliwanag ng matanda na ikina'ikot ng mata ng dalaga.
"Yun naman lagi ang rason nyo. Anyway, punta muna ako sa room ko La, nakakapagod magbyahe kapag may kasama kang tatanga-tanga." Paalam nya sa matanda bago umalis sa tabi nito.
Pumunta na lamang sya sarili nyang kwarto dito sa kanilang private resort sa Batangas.
Nang makarating sya sa ikalawang palapag ay agad syang naglakad patungo sa kanyang kwarto. Pero hindi pa man sya nakakarating sa pinakadulo kung saan ang kanyang kwarto ay biglang bumukas ang isang silid. Iniluwa roon ang isang babae na may maikling buhok na hanggang balikat lamang nito at mas matangkad pa sa kanya ng kunti.
Balingkinitan rin ang katawan nito at masasabi nyang maganda ang hubog ng pangangatawan ng babaeng naglalakad na ngayon papalapit sa pwesto nya. Nakayuko ito at may tinitingnan sa cellphone kaya hindi sya nito napansin.
Napakunot noo sya ng hindi ito pamilyar sa kanya. Kabisado nya kasi ang mukha at pangalan ng mga taong nagtatrabaho sa kanilang resort at base sa nakikita nya ngayon ay mukhang bago lang ito rito.
Nang hindi pa rin ito nag'aangat ng tingin ay napilitan syang tumikhim ng malakas para makuha ang atensyon nito na napagtagumpayan naman nya. Pero para ata syang na'estatwa nang mag'angat ito ng tingin. Ang unang nakakuha ng atensyon nya ang bilugan nitong mga mata at ang natural na mamahabang pilik mata ng babae.
Nang makita sya nito ay agad itong ngumiti sa kanya ng malapad dahilan para bumilis ang t***k ng kanyang puso na hindi nya maintindihan kung bakit.
"Good morning po Ma'am." Masayang bati nito sa kanya pero imbis na sumagot ay tinaasan lang nya ito ng kilay bago irapan at nagtungo na sya sa kanyang kwarto.
Samantalang napakunot noo naman ang babae ng makita ang ginawa ni Anastasia, pero maya-maya lang ay napailing na lamang ito at bumaba na para maghanda ng pagkain. Balita nya ay dadating ngayon ang apo ng may'ari nitong resort.
"Oh Danielle.! Akala ko ba magpapahinga ka.? Ba't bumaba kapa rito.?" Tanong sakanya ng matandang Fox.
"Eh lola Beth, gusto ko pong tumulong sa gawain. Ayoko naman pong may masabi ang apo nyo sa akin pagdating nya rito." Nahihiyang sagot ng dalaga habang nagkakamot ng batok na ikina'ngiti ng matanda.
"Hay naku, ikaw talagang bata ka.! Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo kung nanghihina pa ang katawan mo. Sa dalawang buwan na nandito ka sa puder ko wala kanang ginawa kundi ang magtrabaho kaya ayan tuloy nilagnat kapa. Saka nandito na yung apo ko, nagkasalisi lang kayong dalawa. Pumunta na kasi ito sa kwarto nya, bago lang." Sabi ng matanda na ikinabigla ni Danielle.
"Po.?! Hala.! Baka sya po yung nakasalubong ko sa taas. Yung babaeng umirap sa akin." Gulat nyang sabi dahilan para matawa ang matanda.
"Naku.! Sya na nga iyon. Pasensya kana sa batang yun iha. Mataray na talaga iyon pero mabait naman at malambing sa amin na pamilya nya." Paliwanag ng matanda habang ang huli naman ay tumango-tango lang rito.
"Wala naman po akong magagawa dun. Apo nyo yun eh." Natatawang biro ng dalaga pero agad ding natigil nang makaramdam ng pagkahilo at mukhang napansin iyon ng matanda.
"Danielle bumalik kana lang muna sa iyong silid at magpahinga ka ng mabuti. Kami na ang bahala rito iha. Sige na." Pangungumbinsi ng matanda kaya wala na syang nagawa kundi ang bumalik na lamang sa kanyang kwarto at magpahinga.
Sa kabilang banda naman ay kausap ni Anastasia ang kanyang kaibigan para kumuha ng bago nyang driver.
"Beshy, sa ngayon wala pa akong maibibigay na bago sayo. Wala kasi akong makita na isang applicant na papasa sa standard mo. Pero kung gusto mo ipapasa ko na lang sa sss mo ang mga profile ng mga applicants para ikaw na mismo ang pumili kung mayroon ka mang magustuhan sa kanila." Malumanay na sabi ni Abi sa kabilang linya.
"Ugh.! Fine.!" Padabog nyang sagot sa kaibigan.
"Ayan kasi.! Lahat na lang ng bagay dinadaan mo sa init ng ulo kaya ayan.! Magtiis ka ngayon." Biro sa kanya ng huli na ikina'ikot ng mata nya. Parang hindi na nya mabilang kung nakailang ikot sya ng mata ngayong araw.
"Whatever best. Bye na." Paalam nya rito at pinutol na ang tawag.
Sakto namang pagbaba nya ng kanyang cellphone ay may kumatok sa kanyang pintuan.
"What.?!" Mataray nyang tanong sa isa nilang empleyado nang pagbuksan nya ito ng pinto.
"Uh, ma'am Anastasia pinapababa na po kayo ng lola nyo. Kakain na raw po." Kinakabahang sagot nung babae.
"Ok." Sabi lamang nya at pinagsarhan na nya ito ng pinto.
Nagbihis muna sya ng pang'bahay bago bumaba at pumunta sa dining area. Pagkarating nya doon ay bigla syang natakam sa mga pagkain na nakahain sa mesa. Mukhang noon lang sya nakaramdam ng gutom ng makita nya ang masasarap na pagkaing inihanda ng kanyang lola Elizabeth.
Magta'tatlong buwan na ang huling punta nya rito kaya namimiss nya ang luto ng kanyang lola. Sobrang busy nya kasing tao kaya hindi sya agad nakakapunta rito. Nakakausap lang nya ang kanyang lola sa pamamagitan ng video call o phone calls.
"Mukhang may excited ritong kumain ah.! Paano na ang diet mo nyan apo.?" Nanunuksong tanong ng kanyang lola dahil alam nitong hindi nya mahi'hindian ang luto nito.
"Oh c'mon La.! Ayoko munang isipin ang diet na 'yan. Saka na lang kapag nakauwi na ako ng Manila." Nakangising sagot nya rito at umupo na sa upuan. Napatawa na lang ang matanda dahil sa pagiging pilya ng kanyang apo.
"Ikaw ang bahala apo. Oh sya magpakabusog ka lang habang nandito ka. Abay paminsan-minsan ka lang nagagawi rito.! Buti na lamang marami akong kasama rito at nandito rin si Danielle kaya kahit papaano ay hindi ako nababagot." Sagot ng matanda kaya naiwan sa ere ang pagkain na isusubo na sana nya.
"Sino namang Danielle 'yan lola.?" Kunot noong tanong ni Anastasia pero ngumiti lang ang matanda sa kanya.
"Mamaya ko na lang ikukwento sayo ang tungkol sa kanya. Ang mabuti pa kumain kana muna ng marami para magkaroon ka naman ng laman sa katawan. Ang payat-payat mo na oh.!" Nanunukso na namang sabi ng matanda na ikinasimangot ng huli.
"Hindi po ako payat. Sexy po ang tawag dito.!" Pabirong irap na sabi ng dalaga bago sumubo ng pagkain.
____