"Anastasia.! Namimiss kitang bruha ka." Kunyaring naiiyak na sabi ni Abi pagkapasok nito sa loob ng office ng kaibigan. Isang buwan kasing nawala ang kaibigan dahil ipinagpahinga ito ni Kathryn dahil sa sunod-sunod nitong pagkahimatay. Marahil dala ng pagod sa trabaho at sa stress sa pag'iisip kay Danielle kaya bumigay ang katawan nya. Mabuti na lamang malakas ang kapit ng bata at sabi ni Kathryn healthy naman ang anak nya kaya walang naging problema. Pero agad din naman syang tumalima ng sabihin nito na kailangan nya ng pahinga. Ayaw nyang manganib ang kaligtasan ng anak dahil sa kanya. Kaya kahit na may trabahong nakaatang sa balikat nya ay iniwan nya ito at pumunta sa Batanggas para doon magbakasyon. Dalawang buwan na rin simula noong mawala si Danielle, kaya siguro mas lalo lang sy

