CHAPTER 1- "Save and Safe"

2172 Words
Althea's Point of View KINABUKASAN. Maaga akong gumising at mabilis na inayos ang mga bagahe ko para maghanda patungo sa pupuntahan ko. Ilang araw na rin naman akong nag-stay dito sa Carmela's Resort kung saan ako nakipag-negotiate sa ka-business deal ko. The owner offered me to stay here for as long as I want but I have to leave now. Hindi ko na rin naman mai-enjoy ang pananatili rito dahil bumabagabag sa isipan ko ang tungkol sa kapatid ko. Kaya't nang matapos sa ginagawa ay agad na akong lumabas sa unit at ipinabitbit sa driver/bodyguard ko ang mga dalahin ko. "Kaleb, we're not going home yet. Sa airport tayo dideretso." utos ko dito na ikinagulat naman nito. Bahagya pa itong napalingon sa akin bago ipinasok ang mga bagahe ko sa compartment ng sasakyan. I know he's curious. "We're going to Isla Del Fuego." Saglit itong natigilan at pagkuwa'y marahang tumango. "Ngunit inaasahan po ni Don Armiendo na ngayon kayo babalik sa mansyon, Miss Althea. Alam niya po ba ito?" Umiling ako saka seryosong tumingin sa kanya. "Hindi niya alam. Mabilis lang tayo doon, hindi tayo magtatagal. May kailangan lang akong kausapin." Hindi ko na nagawang ipaalam kay Dad na tutungo ako sa Isla dahil siguradong magagalit iyon at hinding-hindi ako no'n papayagan. "Okay po, Miss Althea." anya at agad ko na itong tinalikuran. Hindi na nito nagawa pang magsalita dahil sa pumasok na ako kaagad sa sasakyan. Alam kong nagtataka si Kaleb sa biglaan kong pagdesisyon na tumungo sa Isla. Alam kasi nito na delikado ang gagawin naming pagparoon. "Let's go." I am still sleepy. Alas kwatro pa lang kasi ng madaling araw at napakadilim pa ng buong paligid. Puyat din ako kagabi kakaisip tungkol sa posibleng mangyari kay ate Amirah. She's not safe there for god sake! Marahan kong isinandal ang likod at ulo ko sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata. I'm so stressed thinking about it! Gusto kong pumunta sa Isla para lamang makausap si ate Amirah ng personal. I need to be there for my sister. Kailangan ko ng sabihin sa kapatid ko ang tungkol sa mga nalalaman ko dahil karapatan niyang malaman iyon. Pero, kalahati ng pagkatao ko ay natatakot sa maaring kahihinatnan nito. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni ate Amirah kung sakali.. 'Bahala na...' Nakaidlip ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog dahil nang magmulat ako ng mga mata ay wala pa rin kami sa airport. "Where are we, Kaleb?" humihikab kong tanong. Inaantok pa talaga ako. I really want to take a nap for another minute. "Malayo pa ba tayo?" Tiningnan niya ako sa rearview mirror at saka tumango. "Yes, Miss Amirah. Maaari pa po kayong umidlip. Gigisingin ko na lamang kayo kapag nakarating na po tayo." anya at ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho. As he said, I took a nap again. May kalayuan din naman kasi ang lugar na pinanggalingan namin patungong airport. Pero, kahit anong pikit ko ay hindi na ako nakatulog ulit. Binubulabog na naman ako ng kung ano-ano sa utak ko. Nakakaramdam din ako ng hindi ko maipaliwanag na nerbyos. Nanatili na lamang ang paningin ko sa labas ng bintana. Nagbubukang-liwayway na ngunit ni wala man lang kaming nakakasabay na ibang sasakyan. Paisa-isa lang din ang mga nakakasalubong namin. I felt so strange. I don't why.. "I feel nervous, Kaleb. I don't know why.." hindi ko mapigilang aminin sa bodyguard ko na saglit naman nitong ikinalingon sa akin. "I-relax niyo lang po ang iyong sarili, Miss Althea." Malalim akong napabuntong-hininga at ibinalik na lamang sa dinadaanan ang paningin. Ilang minuto pa naming binabagtas ang matarik na kalsada nang bigla na lamang tumirik ang sasakyan at sa lakas ng impact ay napasubsob ako sa upuan na nasa harapan. Napasigaw ako at halos maliyo sa tindi ng pagkakasalpok ng ulo ko. Bahagya ding sumakit ang mga braso ko na mabilis kong naipangharang sa mukha ko. Hilong-hilo pa ako kung kaya't hindi ko pa magawang iangat ang ulo ko upang tignan ang nangyari. At nang mahimasmasan ng kaunti ay dahan-dahan ko ng iniangat ang ulo ko at inilibot ang paningin sa kabuuan ng sasakyan ko. It's totally wrecked! Basag ang windshield at yupi ang unahang parte ng sasakyan. Nang pagtingin ko kay Kaleb upang tanungin kung anong nangyari ay nakita ko itong duguan at wala ng malay! "Kaleb?! Kaleb, wake up! Kaleb!! Oh God! Please, wake up!" Nataranta at napapatili akong lumabas ng sasakyan upang makahingi ng tulong. Inilibot ko ang paningin sa lugar na iyon subalit wala akong makitang tao na mahihingian ng tulong! Walang kabahay-bahay sa parteng iyon! And it's like an abandoned place! Sobrang aga pa naman at ni wala pa ring sasakyan na dumaraan. Pero, nagulat na lamang ako nang may marinig akong nagstart ng engine ng sasakyan sa di kalayuan at pagtingin ko sa gawing talahiban ay bumukas ang nakakasilaw na ilaw ng isang sasakyan. Pinanlamigan at nilukuban na ako matinding takot nang mabilis itong rumagasa patungo sa dereksyon ko at nang huminto ito ay nagmamadaling nagsilabasan ang tatlong lalaking pawang nakaitim na suot at nakamaskara! May dala-dala rin ang mga ito ng mahahabang de-kalibreng b***l! Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko na nagawa pa nang ma-estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko na lamang nang takbuhin na ako ng isa sa mga ito at parang sako lang ng bigas akong binuhat! Kaagad ako nitong tinakpan ng panyo sa mukha at binusalan sa bibig! Nakapagpumiglas pa ako at nakapanlaban ng matauhan. 'Somebody please! Save me!' Tanging nasambit ko sa isipan ko dahil hindi ko na magawa pang sumigaw. Ungol na lamang ang narinig kong lumabas sa bibig ko! Hanggang sa unti-unti na akong manghina at agad na nawalan ng malay.. ~~~~~~ VROUGN'S Point of View "Young master Vrougn! Young master! Gumising ka, Young master!" Mariin kong ipinikit ang mga mata bago ko ito iminulat. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nakita kong madilim pa kaya no'ng idinako ko ang paningin kay Holmer ay kinunutan ko siya ng noo. "Why? It's too early, buddy!" angal ko na ikinalukot ng mukha nito. "Why are you waking me up so early, huh?" "Tsk! Sina Miss Althea kasi.. Napakaaga nilang umalis dito sa resort!" taranta nitong sabi na ikinabalikwas ko. "Fvck it! Bakit ngayon mo lang ako ginising!?" Irita itong napakamot sa batok. "Kanina ko pa po kayong ginigising, Young master. Halika na't maaabutan pa po natin sila!" "Wait me up outside! Magbibihis lang ako!" sigaw ko at mabilis naman itong tumalima. Hindi na ako naghintay pa ng sandali at mabilisan akong nagbihis at binitbit ang mga dala-dala kong gamit. Halos liparin ko na ang nakaparadang sasakyan na nasa harapan na mismo ng suite namin upang agad na makasakay. Tsk! Kaya gustong-gusto ko itong si Holmer dahil sa napaka-alerto sa lahat ng bagay. Naroon na ito kaagad at nakaabang na sa akin. Agad na akong sumakay sa kotse at mabilis naman niya itong pinaharurot. The reason why we are panicked on following Althea is that, because we're going to save her— save her at any cost! We need to save her because she's in danger. I knew about everything because it was my stepmom slashed auntie who planned to destroy the Del Fuego's, especially Althea. And I don't let that happen. That's why I'm here to watch over her. I need to make sure that she's home safe. That she's safe everywhere she goes by. "Where is she? I mean, her car?" histerikal na tanong ko nang hindi pa namin sila naaabutan kahit pa halos lumipad na kami. Hindi ko pa naaaninag ni anino ng sasakyan niya! Seryosong napalingon si Holmer sa akin bago niya pinindot ang device na nasa harapan niya upang ituro sa amin kung nasaan na sina Althea. "Patungo sila sa airport." ani Holmer na mabilis na iniliko sa kabilang daan ang sasakyan. Halos magpanting ang tenga ko sa tindi ng kontrol nito papaliko. Balak pa yatang sirain ang kotse ko! "Anong gagawin niya sa airport? Tsk! Bilisan mo pa, Buddy! Kailangan nating maabutan ang sasakyan niya!" wala na. Di bale ng masira ang sasakyan ko basta ba maabutan naming ligtas ang babaeng gustong-gusto ko! 'Yeah.. I do like her.. That's why.' Ilang sandali pa nang may matanaw na kaming sasakyan sa unahan. Medyo malayo pa kami pero alam kong sasakyan iyon ni Althea. Ngunit kita naming nakahinto iyon at halatang tumirik! Nakabangga pa iyon sa malaking puno! Nilukuban na ako ng kaba at pangamba! "Damn it! Bilisan mo pa, Holmer!" Mas binilisan pa nga lalo ni Holmer ang pagpapatakbo ng sasakyan nang sa gano'n ay marating kaagad namin ang kinaroroonan ng sasakyan ni Althea. "Damn it!" sabay pa kaming napamura nang makita ang yuping-yuping sasakyan at basag na mga salamin! "Althea!" Napatampal ako sa noo at humahangos na tiningnan ang loob ng sasakyan at nahintakutan nang makitang duguan at wala ng malay ang driver ni Althea. Kaagad na inasikaso ni Holmer ang driver at inilabas sa kotse. Mabilis ko namang hinanap si Althea ngunit wala ito sa loob at nang tumingin ako sa paligid ay wala rin ito. "Fvck it! Wala si Althea dito! Nahuli tayo, Holmer!!" napasuntok pa ako sa sasakyan dahil sa galit na naramdaman. Kaagad kaming bumalik sa sasakyan ni Holmer habang buhat-buhat niya ang driver ni Althea. Tatawag na lang ako sa isa sa mga tao ko na kunin ang sasakyan ni Althea at dalhin ito sa tagong lugar. Kailangan naming habulin kung sino man ang kumuha kay Althea upang bawiin ito. Ngunit, may kutob na ako sa kung sino man ang may kagagawan nito. Wala ng iba! "Hindi ako papayag na may masamang mangyari kay Althea! I swear! I wont forgive you guys! Magkamatayan na!!" mariin kong sigaw at saka kinuha ang cellphone upang tawagan ang isa sa mga tauhan ko. "Go to this place Sta. Talisay road going to Carmela's Resort! Pick up the car there and hide it. You know what to do so I want you to clear everything there. Okay? Bye!" hindi ko na hinintay ang kasagutan nito sa kabilang linya at agad ko iyong pinutol. Nag-message na lamang ako sa susunod nilang gagawin. I trust my men! "Paliparin mo na ang sasakyan, buddy!" utos ko kay Holmer. Muling pinalipad ni Holmer ang sasakyan kung kaya't ilang sandali lamang ay may natatanaw na uli kaming itim na Van sa unahan na agad na naging pamilyar sa akin. Tama ang hinala ko. Nagsisimula ng maghasik ng kasamaan sina Dad at Tita Verra! 'Don't you ever touch my Althea guys or else you'll regret it!' "Bilisan mo pa, Holmer! Nasa loob ng Van na iyon si Althea! That's my Dad's car!" "Yes, Young master Vrougn!" anya at pinalipad pang lalo ang kotse! Marahil hindi napansin ng mga tauhan ni Dad na may sumusunod sa kanila kaya't malaya naming nasundan ang mga ito. Nang makalapit kami ay agad kong pinaputukan ng b***l ang dalawang gulong sa hulihan na naging dahilan para tumirik ang Van. Naging alerto naman kami ni Holmer pagkababa namin at hinintay na bumaba ang mga nasa loob ng sasakyan. Nakipagputukan ang mga ito sa amin pagkalabas ng mga ito ngunit dahil sa mas eksperto kami sa pakikipagbarilan ni Holmer ay wala silang binatbat sa amin. Pagkatapos naming mapatumba ang tatatlong tauhan ni Dad ay hindi muna kami pumasok sa loob ng sasakyan upang manigurado. Nagkabilaan muna kami ng pagmasid sa loob ng sasakyan upang siguruhin kung wala ng natitira pang tauhan sa loob at nang makita naming wala na ay kaagad na kaming pumasok sa loob ng Van. Doon, nagalala ako ng matindi nang makita ko ang kalagayan ni Althea. Wala itong malay! Nakabusal ang bibig at nakatali pa ang mga kamay at paa! "Fvck them! I'll kill them all! Damn it!" Nanginginig ako sa galit habang maingat na inaalis ang nakabusal sa bibig ni Althea at mga tali sa kamay at paa saka ko ito binuhat para mailipat sa kotse ko. Dumeretso kami sa tagong resthouse ko. "Holmer, ikaw na ang bahala sa driver ni Althea. Pinadalhan ko na rin ng mensahe si Rainold at ang team niya na pagkatapos nilang i-clear sa Sta. talisay ay pumunta sila dito sa resthouse. Kayo na ang bahala." Tumango ito. "Anong plano niyo ngayon, Young Master?" I took a deep breath. "Itatago ko si Althea sa ligtas na lugar.. sa Isla." Tumingin si Holmer sa akin ng tiim at pagkuway tumango. "Magiingat kayo doon, Young Master. Tawagan niyo lamang ako." "Gamitin mo 'yong isang chopper at sumunod ka sa akin pagdating ng grupo ni Rainold. Dalhan mo ako ng mga kakailanganin namin ni Althea." "Opo, masusunod." Tumango ako at saka ko siya tinapik sa balikat. Kaagad ko ng isinakay si Althea sa sarili kong chopper at ako na mismo ang nagpalipad no'n. Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon. Kaagad na akong nagdesisyong itago at ilayo si Althea. Napagdesisyunan kong dalhin siya sa pinakaligtas na lugar upang siguruhin ang kaligtasan niya. Dahil mapapahamak pa rin siya kahit pa nariyan ang siguridad sa kamay ng kanyang ama na si Don Armiendo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD