CHAPTER 10- "Hold On" (SPG)

2209 Words
Warning: Mature Content! Vrougn's Point of View "YOU'RE so beautiful, baby." anas ko nang makapagbihis na si Althea gamit ang damit na dala ni Holmer. Bagay na bagay ito sa kanya. Hindi man nababagay sa lugar ngunit nandoon ang kapormalan ng suot niya. "It suits on you." Luckily, eksakto din ang pagdating ng kanang kamay ko dahil wala ng maisusuot si Althea. Basang-basa pa 'yong damit na hinubad niya kanina at ayaw din naman niyang suotin ang ibang damit ko. She's too sensitive when it comes to her outfit. "Maganda 'tong damit na nabili niya sa 'kin. It's nice and I like it! Hmm.. why he knows my size, huh?" nakatungong tugon ni Althea habang inaayos ang pagkakabutones ng polo dress niya. "Hmm.." panggagaya ko sa kanya. "Kasing-sexy mo din kasi ang fiancee niya, babe. Kaya madali sa kanya ang makahanap ng damit na kakasya sa 'yo." Tugon ko at mabilis ko siyang hinuli upang dampian ng halik sa labi. Nangunyapit naman siya sa batok ko. "Oo nga pala, bakit ngiting-ngiti ka kanina pagpasok mo?" Nakakunot ang noong tanong niya na nginisihan ko lang. "Its nothing, babe." Agad ko na siyang hinapit sa beywang at saka inakay papalabas ng kwarto. "Halika na't ng makakain na tayo. You're hungry, right?" tumango naman siya at pagkuway isinandal ang ulo sa dibdib ko. "Gusto ko ng kumain.." Hinahaplos-haplos pa niya ang tiyan niya. "Ng alin?" wala sa loob kong tanong. Natawa na lang ako ng kurutin niya ako sa kabilang tagiliran ko. "'Yong hinuli natin syempre! Ano ka ba..." "Ah, akala ko... Ako. Hehe!" Napapitlag ako ng muli niya akong kurutin ng napakapino! "Aww.. Baby.. That's hurt." seriously, masakit iyon. Mas masakit pa sa kalmot niya kapag nasa kama kami. "Ikaw kasi.. Napakapilyo mo." Marahan niyang hinaplos ang parte kung saan niya ako nakurot. "I forgive you.." I kissed her lips once again. Mahalikan ko lang siya, sapat na. Hindi na siya sumagot pa kaya't natahimik na rin ako. Pagkarating namin sa kusina ay naroon na rin sa hapag si Holmer at prenteng nakatuon ang atensyon sa hawak nitong cellphone. Nang makita kami nitong papalapit ay kaagad itong tumayo at nakangiting naghintay sa paglapit namin. "Magandang tanghali, Miss Althea. Kamusta po kayo?" Nakangiti niyang bati kay Althea pagkalapit namin at agad ding ngumiti pabalik si Althea sa kanya. "I'm good. Anyway, thanks to you and to this man here beside me." Ani Althea at nakangiti niya akong sinulyapan. Sinuklian ko naman ang ngiti niya ng marahang haplos sa braso. "Thank you both for saving me and I really owe you my life." "You are my life, baby. Kapag napahamak ka, malulungkot ako." bulong ko kay Althea. Tutok na tutok si Holmer sa amin habang nanunukso ang mga tingin. Sinamaan ko naman ito ng tingin na ikinangisi nito. "By the way, I'm Holmer Mcfill Sedalgo, right hand po ni Young Master Vrougn. Nakita na po kita ngunit hindi pa po tayo kailanman nagkakilala. Hehe." anya sabay lahad ng kamay kay Althea na agad namang inabot ng nakangiti ng mahal ko. "Nabanggit ka na sa akin ni Vrougn. So, nice to finally meet you too, Holmer. And, by the way, thank you sa mga dala mong gamit at damit ko." "Walang anuman po, Miss Althea, sinunod ko lang po 'yong utos ni Boss. Hehe!" Nakangiti habang kumakamot sa batok na ani Holmer. Napasulyap sa akin si Althea at binigyan niya ako ng malawak na ngiti. "Thank you, baby." anya na ikinaawang ng bibig ko. Did she finally call me 'baby'? Oh! I can't speak. Because of that, I kissed her in front of Holmer! "Wooaahh! Oh! Come on, guys.. Pinaiinggit niyo 'ko..Hehehe!" Panunukso ni Holmer sa amin at saka tinakpan ang mukha kunwari. "Kumain na tayo! Gutom na ako, eh." ani Althea pagkatapos ko siyang bitawan at saka siya dumulog sa hapagkainan. Nanunuksong tingin naman ang pinukol ni Holmer sa akin. "Anong tingin 'yan, buddy?" bulong ko sa kanya. Natawa naman siya at sabay iling. "Maupo ka na at sumabay ka na sa aming kumain." utos ko dito na agad namang sumunod. Saka na rin ako naupo sa tabi ni Althea. Mabilis kong ipinaghain ng kanin si Althea at ipinaghimay ko siya ng isdang nahuli namin kaninang umaga. "Vrougn, ako na. Nakakahiya naman sa kasama natin." nakangiwing saad ni Althea habang pinipigilan ang kamay ko sa pagdaragdag ng pagkain sa plato niya. "Don't mind him, baby. Let me serve you." sabi ko at pinagpatuloy ang paghihimay ng isda para sa kanya. "Kumain ka ng madami, ha?" Naiiling na lamang na tumango si Althea. "Ehem!" Napasulyap ako kay Holmer. Nangingiti rin pala ito habang abala kunwari sa kinakain. "Just eat, buddy!" Atas ko dito. Saka ako muling bumaling kay Althea na ngayo'y nakapikit na at mukhang nananalangin pa. Oh.. She's very religious.. Bigla akong natahimik. Maging si Holmer ay natigil din sa pagngunguya. Nang sa wakas ay magmulat ng mata si Althea ay agad na rin kaming nagsimulang kumain. Gutom na gutom kami kaya't wala na ni isang nagsalita pa hanggang sa matapos kami at maubos ang niluto kong pagkain. "ANONG oras ka babalik sa resthouse, buddy?" Tanong ko kay Holmer habang nasa sala kaming dalawa. Nasa kusina pa rin si Althea dahil siya ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan namin at ayaw ko sanang siya ang gumawa no'n kaya lang ayaw ko namang makipagtalo sa kanya. Wala akong nagawa kundi hayaan siya sa gusto niya. Ayaw niya raw kasing ituring ko siyang prinsesa dito. Nangiti ako dahil do'n. Napatingin ako kay Holmer nang pumitik ito at nakita ko ang kapilyuhan sa mga mata nito. Agad ko naman itong pinukol ng nakamamatay na tingin. "What?" nakataas ang kilay kong tanong. "Inlab ka na sa kanya, boss, 'no?" Saglit din siyang sumulyap kay Althea at pagkuway ibinalik ang tingin sa akin. "Iba ang tinginan niyo, eh. May spark.. Sabagay, bagay naman kayo. May chemistry ika nga." anito at tumatango-tango. "You think so?" "Baka nga noon ka pa nahulog kay Miss Althea, eh.." Kibit-balikat akong tumungo at pinasadahan ng tingin si Althea habang nakatalikod pa rin sa amin. She's not done yet washing. Nagaalala ako kung papaano bang maghugas ang isang prinsesa. Bumuntong-hininga ako at muling hinarap si Holmer. "Bumalik ka kaagad sa resthouse mamaya, buddy." sabi ko na ikinabigla naman nito. "Huh? Kararating ko pa lang, paalisin mo na 'ko kaagad. Why is that, boss? Naiistorbo ko ba kayo? Hehehe!" "Loko!" Inambahan ko ito ng suntok sa braso at kunwari naman nitong inilagan. "Anong oras na at may gagawin akong surpresa sa kanya. Ayokong makita mo 'yon at gusto kong kaming dalawa lang ang naandito." May pinaghahandaan kasi akong surprise date kay Althea at nakakabading kapag mayroong makakakita sa gagawin ko. "Yon! Sabi ko na nga ba, eh.. May binabalak kang hindi maganda sa kanya, 'no? Naku, young master.. sinasabi ko sa 'yo.." Umiiling-iling niyang sabi na ikinakunot naman ng noo ko. "Loko-loko!" Muli ko sana siyang aambahan ngunit nakita kong lumingon si Althea kaya't nagkunwari akong nakikipag-hagalpakan kay Holmer. "Baliw!" Mariing bulong ko. "Hahaha! Nagbibiro lang naman ako, boss, eh." Hininaan naman nito ang sarili nitong boses. Sumeryoso na ako at gano'n na rin siya. Pagkuway, tumingin ako sa kawalan. "So, anong balita sa labas, buddy?" Ipinagkrus ko ang mga braso ko at isinandal ang likod sa sandalan ng upuan. Medyo kabado akong naghintay sa sagot niya. "Boss, ingatan mong maigi ang isa sa mga prinsesa ng mga Del Fuego. Isa 'yang kristal. Kasalukuyan pa rin siyang pinaghahanap ng angkan niya kahit pa nga nalaman nilang nakipagtanan siya." Malalim akong napabuntong hininga. "Alam kong hindi sila maniniwala sa naging alibi ko. Nasabi nga rin ni Althea na hindi basta-bastang maniniwala ang pamilya niya. At kung pagiging makasarili man ang ginawa ko na itago si Althea dito, wala na akong pakialam. Sa dami ng mga kalaban nila ay iniisip kaya ng mga ito na nasa kalaban nila si Althea? I think so. Pero, alam kong malalaman at malalaman din nila ang totoo na sa akin si Althea at handa akong harapin ang kaparusahan. 'Tsaka, hindi ko rin pinagsisisihang ilayo si Althea sa panganib." "Lalo na ngayon na patuloy din sa paggalaw ni Donya Silverrah at ng iyong ama. Pinaghahanap din nila si Miss Althea at mas lalo pa silang nanggigigil na makita ito dahil sa pagkamatay ng tatlo nilang tauhan." Kumuyom ang mga kamao ko. "Hinding-hindi nila makukuha si Althea kahit anuman ang mangyari. Dadaan muna sila sa bangkay ko, buddy!" Bumibilis ang t***k ng puso ko sa galit na namumuo sa dibdib ko. "Basta't pangako ko sa 'yo na nasa likod mo lang ako at ang mga tauhan natin, Young Master. Hindi ka namin pababayaan. Isang pindot mo lang sa device na ibinigay ko sa 'yo, darating kami kaagad." Tukoy niya sa animo'y remote control na iniabot niya sa akin pagkarating na pagkarating niya kanina. "Thank you. Maaasahan talaga kita, buddy." Sabi ko at tinapik-tapik ko siya sa balikat. Doon naman lumapit si Althea at nakangiting tumabi sa akin. Agad ko naman siyang inakbayan at mabilis pa sa alas kwatro ko siyang ninakawan ng halik sa labi. "Vrougn! May ibang tao! Nakakahiya.." Nahihiyang saad ni Althea at nagsumiksik pa siya sa dibdib ko. Nangiti ako. Nawawala ang galit ko kapag nakikita ko siya. "Aalis na rin naman siya maya-maya, eh. Solo na natin uli 'tong isla." Nakangisi akong yumakap sa kanya. "And I think, I really have to go.." tatawa-tawang ani Holmer at pagkuway tumayo na. Natatawa naman akong tumingin dito. "Magiingat ka, buddy! Balitaan mo 'ko lagi." Sumaludo pa ito sa akin bago kumaway. "Masusunod, boss! At, Miss Althea, sa susunod uli nating pagkikita. Magsaya muna kayo dito habang hindi pa maayos ang gulo." anya nang bumaling naman ito kay Althea. "Yeah. Thank you. Take care, Holmer." Napagdesisyunan namin ni Althea na ihatid si Holmer sa dalampasigan hanggang sa makasakay ito sa chopper na isa sa pagaari ko. At hanggang sa tuluyan na nga itong pumaibabaw sa ere at mawala sa paningin namin. Magkaakbay kaming bumalik sa loob ng bahay at mabilis naming tinungo ang kwarto. "What are we going to do now, huh?" ani Althea. "Let's take a nap." sagot ko. Hindi ko alam kung anong gustong marinig na kasagutan ni Althea ngunit iyon lang ang isinagot ko. Pagkapasok namin ay kaagad kong binuhat si Althea at kagat-labi ko siyang inilapag sa kama. "We're just going to take a nap, right? I'm sleepy and tired at the same time so behave." sabi niya at nagtalukbong ng kumot. Natatawa naman akong hinila ang kumot at saka ko siya dinaganan para hulihin ang mga labi niya. Pinupog ko siya ng halik sa buong mukha kasabay ng malilikot kong kamay na naglalakbay sa palibot ng katawan niya. "Vrougn!" Humahagikhik niyang sambit sa pangalan ko at ni hindi na siya halos makapagsalita dahil sa ginagawa kong pangingiliti sa kanya. "Vrougn, stop! I can't breath na.." Doon naman ako biglang tumigil. Tumunghay ako sa mala-anghel niyang mukha at hinaplos ko siya sa kanyang pisngi. "Vrougn.." "I want you, baby.. Can you let me in, again?" Pinapungay ko pa ang mga mata ko upang mas lalo siyang pumayag. "O-Okay.." anya at saka ko siya sinimulang hubaran. "Just moan and say my name, alright?" sabi ko at tumango siya kaya agad ko ng sinimulang bumayo sa ibabaw niya. —————— Althea's Point of View "I JUST want to enjoy my self here while with you." nakatungo kong saad habang nakatingin sa kisame at magkayakap sa ilalim ng may kanipisang kumot. Nakadagan siya sa akin kung kaya't mas malaya pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa h***d kong katawan. "And so are you? I mean, are you enjoying now, babe?" anya sa paos na boses. "Yeah. I am. Pero, hindi ibig sabihin no'n ay magiging kampante na ako, tayo. Maari tayong masundan ni Mommy Verra dito. Alam kong walang imposible sa kanya lalo na ngayon." Dinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "Masundan o matagpuan ka man nila, hindi ko papayagang masaktan ka ninuman. No one. I'll be your shield.." Ngumiti ako at pagkuway bumangon. Naupo ako sa gilid niya paharap sa kanya at saka ko siya tinitigan sa mga mata. "And I will forever thank you, Vrougn. Without you, siguro napahamak na ako o wala na ako ngayon. Hindi ko alam kung maaawa pa ba sa akin si Mommy Verra para buhayin ako kung sakaling nakuha niya ako. Kaya't sobra akong nagpapasalamat sa 'yo." "I'll promise to protect you, baby. Kahit buhay ko pa ang kapalit." seryoso niyang sabi na ikinabahala ko. "D-Don't say that. Walang mangyayari sa 'yo!" Tumango siya at pagkuway muli akong hinagkan sa labi. Hinapit niya ako kaya naman napadagan ako sa kanya. I was now on top of him! Namumula ang mukha ko at hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kanya. "Why are you shy, baby?" Nakangisi niyang sabi. "You can ride on top of me if you want." "Vrougn!" Natampal ko siya sa dibdib dahil sa kapilyuhan niya. "Why not? I'm all yours.." "I know.. But, you know I can't do that. I don't know how to do that either." Tukoy ko sa nais niyang gawin ko. "I'll teach you, then. Just hold on tight." Nakangiwi akong tumango at saka naman niya ako hinawakan sa balakang ko. Bahala na..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD