CHAPTER 18: FREE

2690 Words
Althea's Pov I WAS SHOCKED. Hindi ako makakilos nang makita ang pangyayari. Kung paanong dahan-dahang mapaupo si Kean na agad na dinaluhan ni Lori Leigh. Hanggang sa palibutan na sila ng mga tauhan namin para maprotektahan. Natauhan lang ako nang hilahin na ako ni Vrougn papalayo at ipinasok ako sa isang kwarto. Nanginginig sa takot akong napayakap sa kanya. "S-Si Kean! N-Nabaril si Kean, Vrougn!" Nanginginig maging ang bibig ko. "I know. I saw it," tugon niya habang inaalo ako at hinahaplos ang likod ko. "Where's the others? Baka kung mapano din sila, Vrougn! Oh god.." Napaiyak na ako ng tuluyan. Nagaalala ako sa pwedeng mangyari sa iba. Gusto ko mang lumabas pero napakadelikado na. But I want to know what happened outside! I want to make sure my family are safe! Kumalas kami sa pagkakayakap ni Vrougn nang kumalabog ang pinto at bumukas iyon. "Get inside! Hurry up! Hurry up!" Utos ng daddy ko na siyang nangungunang pumasok. Nakahinga ako ng maluwag nang sunod-sunod na pumasok ang ilan. Huling pumasok sina Dazsher at Ate Amirah. Takot na takot ang mga kababaihan. Nagiiyakan at hindi mapakali sa kinatatayuan. Samantala, kalmado naman ang mukha nina Daddy at Tito Federico. Subalit, napagtanto ko na parang kulang kaming naroon! Nilukuban ako uli ng matinding takot. "Where is Kean?" Histerikal kong tanong. Nagpalinga-linga ako at hindi ko ito makita. Maging si Lori Leigh ay wala doon. "Nasaan po si Lori? Nabaril ba siya?!" histerikal ding tanong ng babaeng may hawak ng wheel chair ng mommy ni Vrougn. "Nabaril si Lori Leigh! I saw it!" Umiiyak na sambit ng babaeng nakayakap ngayon kay Zymon. "Diyos ko!!" Mas lalong lumakas ang iyakan. Nagkakagulo na kami. Nagaalala. "Where's Kean and Lori Leigh, Dad? Bakit natin sila iniwan sa labas?!" Nagpa-panicked ding tanong ni Ate Amirah. Napatingin ako sa kapatid ko. Mas lalo akong nagalala. Siguradong panibagong trauma na naman ang mararamdaman niya pagkatapos nito. "Everyone, calm down.. We'll go outside and no one will follow. It's too dangerous outside." si Mr. Morillo. Nagpatiuna na itong lumabas. "We'll save them." Pahabol pa nito. Sumunod dito si Zymon na hindi na nagawang pigilan ng babae. Susunod na rin sana si Dad ngunit pinigilan ito ni Mommy Iana. "N-Nakakatakot sa labas! Dumito ka na lang, Armiendo...pakiusap!" Humahagulhol na pakiusap ni Mommy. "Marami ang mga tauhan natin kaya 'wag kang magalala, mahal." tugon ni Dad kay Mommy Iana saka dinampian ito ng halik sa noo. Saka bumaling sa aming lahat. "This room is a bullet proof. Everyone will be safe here. Do not ever go outside until the war is over." Paalala ni Dad. Aalis na sana siya nang pigilan naman siya ni Ate Amirah. "Dad! Anong ibig sabihin ni Mommy Verra? Bakit kay Lori Leigh niya itinutok ang b***l? Siya ba ang kakambal ni Althea?" Tanong niya. Iyon din ang nais kong itanong kay Dad. "I don't know, Amirah Jade. But, maybe she is. Kukunan natin siya ng DNA para malaman natin ang totoo. At, kung sakaling siya nga ang nawawala kong anak ay ngayon pa lamang ay naguumapaw na ako sa kaligayahan. Mabubuo na tayo. But, for now, let's not talk about it." ani Dad at sumunod na rin sa mga naunang lumabas ng silid para iligtas sina Kean at Lori Leigh. Gusto kong matuwa sa nalaman na mayroon pa akong kapatid at kakambal ko pa. Ngunit kasabay din noon ay ang takot na maaaring mangyari kay Lori Leigh.. Hindi ko akalain na mas naging delikado pa ang buhay niya kaysa sa amin ni Ate Amirah. Kung bakit ito pa ang pinuntirya ni Mommy Verrah. Natutulala na lang akong sumandal sa dibdib ni Vrougn. Para akong nanghihina. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin. Napapikit ako at napahiling na sana'y matapos na ang gulong ito. "Babe, I'll go outside too. Maybe I can help them. Just stay here and don't go outside, okay?" Maya-maya'y saad ni Dazsher kay Ate Amirah. Naimulat ko ang mga mata ko at napatingin sa kanila. "But—" "Just trust me, babe. Please, don't be so hard headed.. I promise to be back safe and sound. I love you!" Saka nito hinalikan sa labi si Ate Amirah at nagmartsa na papalabas ng silid. Napabuntong-hininga ako. Napatingin tuloy ako kay Vrougn dahil baka maisipan din niyang sumunod sa gyera. Hindi ako papayag dahil mahina pa siya. Nakahinga lang ako ng walang narinig na anumang salita sa bibig niya. "Vrougn, hijo... Kaunting tiis lamang at pagkatapos ng gulong ito ay sasamahan kita sa hospital para magamot 'yang mga sugat mo," dinig kong sambit ng mommy ni Vrougn. Napalingon kami dito. "I'm okay. Mababaw lang naman po ang mga sugat ko. Don't worry, Mom..." Sagot naman ni Vrougn. "What??" Nagulat kami sa pasigaw na tanong ni Ate Amirah. Gulat na gulat din siyang nakatingin kay Vrougn. Hindi ko alam kung bakit. "What do you call her? I mean, si Manang Cita.. Mommy mo?" "Yes, Miss Amirah. She's my Mom and the youngest sister of Miss Zilverrah De Mujer.." Vrougn answered.. Ate Amirah was shocked. Namilog ang mga mata niya sa sinabi ni Vrougn. Halos mapaawang pa ang bibig. Hindi makapaniwala. Marahil, hindi niya rin alam ang tungkol dito. Ngayo'y unti-unti na niyang nalalaman ang lahat. "Naguguluhan ako.. You and Dazsher are half brother.. Si Mr. Del Rious ang Daddy niyo at... magkapatid ang mga mommy niyo? Oh my.. This is soooo ridiculous! How? I mean, can you guys explain it?" pinaglipat-lipat ni Ate Amirah ang tingin kay Vrougn at sa mommy niya. "I fell in love with a wrong man, hija. With Frank Simeon Del Rious. Nabuo si Vrougn noong iniwan si Frank ni Ate Verra para magpakasal kay Armiendo. Ako na rin ang tumayong ina ni Dazsher dahil tatlong taon pa lamang ito ng abandonahin ito ni Verra. At dahil nga sa umibig ako sa maling tao, naging impyerno ang buhay ko sa piling niya. Si ate Verra pa rin ang gusto niya at wala akong nagawa doon. Kung kaya't umalis ako at iniwan si Frank. Isinama ko ang dalawang bata patungong ibang bansa. Doon ko natagpuan ang tumayong ama nila Dazsher at Vrougn, Si Jackzon Smith James." mahabang kwento ng mommy ni Vrougn. "So, bakit ho kayo bumalik rito?" Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang pagkakatanong ni Ate Amirah o talagang naguguluhan lang siya. "Nasaan ho ang napangasawa niyo? Bakit hindi niyo siya kasama?" "He's dead." si Vrougn. Madilim na madilim ang anyo niya ng tumingin ako sa kanya. Nagtatagis na rin ang mga bagang niya sa galit. "Pinapatay siya." Napaawang ang bibig ni Ate Amirah. "What?? Sino? Sino ang nagpapatay?" "Hindi pa namin malaman.." Ang mommy ni Vrougn ang sumagot. Naikuwento na sa akin ni Vrougn ang tungkol sa bagay na iyan kaya hindi na ako masyadong nagulat. Palaisipan din para sa kanila kung sino ba ang taong gumawa no'n sa daddy nila. "Guys, silence please..." Pakiusap ng babaeng kasama ni Zymon. Nasa may pintuan siya at nakadikit ang tenga sa hamba ng pinto. Namayani nga ang katahimikan at nakinig kami sa nangyayari sa labas. Parang tinambol naman, ang puso ko nang madinig ko ang sunod-sunod na putukan at malakas na ugong. Oh god... "Nagkakagulo na naman sa labas!" Sigaw ng babaeng nakaalalay sa mommy ni Vrougn. Nahihintakutan na itong napaupo sa likuran ng wheel chair. Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iluwa noon si Zymon na naliligo na sa sariling dugo at pawis! Nahintakutan kaming lahat. Tumitili namang dinaluhan ito ng babae. "Locked the door! Napakarami ng tauhan nila Miss Zilverrah at Mr. Del Rious!" si Zymon.. Namimilipit sa tama ng b***l. "What?!" Hindi ko mapigilang mahintakutan. Napapraning na ako. Ano na ang mangyayari sa 'min? Napayakap ako ng mahigpit kay Vrougn.. Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko. Nagkasabay-sabay na ang takot, pangamba at pagaalala. Parang gusto ko na lang na mawala na parang bula at makalayo sa nangyayaring kaguluhan. "Nasaan si Armiendo??!" Hindi na mapakaling tanong ni Mommy Iana. Nagpapaikot-ikot na ito sa kinatatayuan. "Nasaan na si Armiendo!" "Anong nangyari kina Lori Leigh at kay Kean? Nasaan na rin sila??" Napapatalon na halos sa tindi ng pagaalala at mangiyak-ngiyak na tanong ng babaeng si Anitha. "Si Dazsher?!" Tanong naman ng mommy ni Vrougn. "Hindi ko na sila napansin. Aakkk!" Napapangiwi sa sakit na sambit ni Zymon. "Huwag ka kasing gumalaw, Zymon," ani ng babae. Nagsimula ng magiyakan ang mga naroon. Maging ako ay nadadala na rin. Sobra-sobra ang takot at pagalala ko sa mga nasa labas. Pinanginginigan na ako ng laman. Ano na ang nangyayari sa labas? Nasaan na sina daddy, Kean, Dazsher, Tito Federico at Lori Leigh? Nang mapatingin ako kay Ate Amirah ay nahintakutan akong lalo dahil nakita kong nakatulala na ito sa kawalan. Hanggang sa ilang saglit pa ay dahan-dahan na itong naupos sa kinatatayuan. Halos napatalon ako nang makitang mapaluhod na siya. Nataranta din ang mga naroon. "Si Amirah!" Sigaw nila. Hindi nila malaman kung sino ang dadaluhan. Si Zymon na naliligo sa dugo o si Ate Amirah na hinimatay. "Ate Amirah!" Tumakbo na ako para saluhin ang kapatid ko ngunit di ako umabot. Mabuti na lamang ay agad siyang nasalo ni Mommy Iana na mas malapit sa kanya. "Amirah! Gising! Anak ko, gising!" Umiiyak na tawag ni Mommy Iana sa kapatid ko. Mabilis kong hinawakan ang pulso ng kapatid ko nang makalapit at pinisil-pisil ang mga daliri niya para mahimasmasan siya. "Ate Amirah.. Wake up. Come on," pakiusap ko pa. "What happened to her?" Nagaalalang tanong ng mga kasama namin doon. "She collapsed. Ganito siya kapag nakakaramdam ng sobrang takot," tugon ko. Pinagtulungan namin ni Mommy na pahigain si Ate amirah sa couch na malapit sa amin. Saka doon gumawa ng first aid para mabilis siyang mahimasmasan. Nakahinga kami ng maluwag nang manumbalik na ang kulay ng mga labi niya. Kanina ay putlang-putla na. Subalit, sa sobra din yatang pagod ay tuluyan na siyang nakatulog. Binantayan na lamang siya ni Mommy Iana pati na ng mommy ni Vrougn na si Tita Terecita. Lumapit naman ako sa kinasasadlakan ni Zymon para tingnan ito. "How is your sister? Is she okay?" Tanong ni Zymon nang makalapit ako. Imbes na sarili niya ang intindihin ay ang kapatid ko pa ang inalala niya. "Nahimatay siya pero okay na. She's now asleep. How about you?" Nagalala ako dahil marami na yatang dugo ang nawala sa kanya. "I'm good. Wala 'to," tugon niya. "Dadalhin ka na namin sa hospital, Zymon. Come on!" Nangingiyak na sambit ng babae habang tinatapalan ng tela ang sugat ni Zymon sa balikat. Nagtaka ako nang umiling si Zymon. "No. Daplis lang 'to. Malayo sa bituka. 'Tsaka, hindi pa tayo makakadaan diyan." Itinuro niya ang labas. "Don't worry about me. I'm fine." Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na nangulit pa si Cassandra. Nanahimik na lang siya. Binabayo pa rin ng malakas ang dibdib ko. Halos nadadagdagan pa rin ang takot. Hanggat kasi hindi pa bumabalik sina Daddy ay hindi ako mapapanatag. Hinanap ko si Vrougn at hindi ko siya makita. Hindi ko naman siya nakitang lumabas ng pinto kaya hindi ako nagalala. Baka pumunta lang ito ng comfort room. Napaupo ako sa gilid at doon nanalangin ng taimtim. Nanalangin na sana'y matapos na ang g**o at mabalik ng walang tama ng b***l ang mga kalalakihan na lumabas. Maging ligtas din sana sina Kean at Lori Leigh. Gano'n din ang lahat ng mga tauhan namin. Saka din pumasok sa isip ko si Holmer. Nasa labas siya ng resthouse. Oh god! Baka kung napasabak din ito sa putukan. Hindi siya sumama sa amin papasok sa rest house. Tatayo na sana ako ngunit napatingin ako sa kamay na nakalahad sa harapan ko. It was Vrougn's hand. Inabot ko iyon at agad akong napayakap sa kanya. "Where have you been?" Tanong ko habang nakayakap pa rin. "Holmer called me. Tapos na ang labanan sa labas. Mabuti na lang din at nakarating ang mga tao ko at nakatulong," anya. Napatingin sa amin ang lahat na naroon. "Praise God!" Ani nila. Nakahinga din ako ng maluwag sa ibinalita ni Vrougn. But still worrying until they do not come back. Maya-maya lamang ay may sunod-sunod na katok kaming narinig sa pinto. Binuksan iyon ni Cassandra na mas malapit doon. Pagbukas ay iniluwa no'n sina Daddy at Tito Federico na may kanya-kanya pang hawak na b***l. Agad namang tinakbo ni Mommy Iana ang daddy ko pagkakita at mabilis na niyakap. Kasunod namang pumasok si Kean na inaalalayan naman ni Lori Leigh. Napangiti ako nang makitang ligtas sila. Huli namang pumasok si Dazsher na tagaktak sa pawis at nahahalatang sumuong sa labanan. "Where's Amirah?" Hinanap agad nito si Ate Amirah na agad din niyang nakita. Patakbo itong lumapit sa kapatid ko. "What happened to her?!" Nagaalalang tanong nito. Hinaplos nito ang pisngi ng kapatid ko. "Nahimatay siya kanina. But, she's fine now. Natutulog lang siya ngayon," ako na ang sumagot. Napatingin sa akin si Dazsher saka marahang tumango. Wala ng salitang lumabas sa bibig niya. Hanggang sa dumating na rin ang mga doktor at ginamot ang may mga sugat. Mabuti na lang at daplis lang din ang tama ni Kean. Hindi na nila kinailangang agapan para dalhin sa hospital. Mayroon ding itinalagang doktor para kay Ate Amirah. Ni-check up uli siya para alamin kung nag-trigger bang muli ang dati niyang sakit. Until we found out that my sister is pregnant.. Higit sa lahat ay maselan pa raw ang pagdadalantao ng kapatid ko. We surprised and totally shocked! We're happy to know about her early pregnancy but she knows that she was breaking the rules of our clan. Hindi maaaring mabuntis siya nang hindi pa kasal. Maaari siyang itakwil sa pamilya. Subalit, wala na kaming magagawa pa. Alam kong gagawa ng paraan si Dad para maisaayos ang lahat. Pati na rin ang nangyari kani-kanina lang. Kailangang mawala iyon sa isip ni Ate Amirah. Mayroon siyang sakit na kailangang ingatan kundi ay maaapektuhan ang batang dinadala niya. At iyon nga ang nangyari. We planned. Tinurukan ng pampahimbing ng tulog si Ate Amirah para maisagawa ang plano. At bago pa man siya nagising ay naisaayos na namin ang lahat. We act. We smile in front of her as if there nothing happened. We congratulate her for her pregnancy. And then, we stayed in island for about a week. Siniguro muna naming hindi na makakalabas pa ng kulungan sina Mr. Del Rious at Mommy Verra. Nang sa gano'n ay ligtas na rin kaming makababalik sa syudad. Mommy Verrah deserved to be in jail. Sa dami ng ginawan nila ng masama ay karapat-dapat lang silang makulong ni Mr. Del Rious na kinasabwat niya sa masamang gawain. Meron din namang parte sa puso ko na nahahabag kay Mommy Verra dahil siya ang nagpalaki sa 'min ni Ate Amirah. Ngunit, kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kay Mommy Iana at sa iba pa. "Baby, let's go." Napukaw ni Vrougn ang atensyon ko nang hawakan niya ang kamay ko para alalayang makasakay sa chopper. Pabalik na kasi kami ngayon sa maynila. At balak naming dumeretso muna sa mansyon. Kailangan ko na rin kasing bisitahin ang kompanya. I really miss my office too. "Thank you," pasalamat ko nang makaupo ako. Nakita ko kung paanong magningning ang mga mata ni Vrougn nang ngumiti ako sa kanya. Nakagat pa niya ang pangibabang labi. "So, saan tayo unang magdi-date pagbalik natin?" Tanong niya. Nakangisi. Nagisip ako. Matagal pero wala akong maisip. "Kahit saan. Kung saan mo 'ko gustong dalhin. Ikaw ang bahala," sagot ko. Nangiti ako ulit. "Kahit saan?" Paguulit niya sa sinabi ko. Ngiting-ngiti rin. Tumango ako. Napapailing ako dahil ibang-iba ang ngiti niya. I'm sure may halong kalokohan na naman sa isip niya. "Payag ka ba kung babalik tayo sa isla?" Doon na ako napalunok at muntik pa akong masamid ng sarili kong laway. Maang akong napatingin sa kanya. Gusto niyang bumalik kami sa isla kung saan malaya naming pagsaluhan ang nararamdaman namin sa isa't-isa.. Yes. We really are free. A/N: Point of view po ito ni Althea doon sa Revelation 1&2 ng Series 1 ng Isla Del Fuego (Against All Odds).. May mga pinalitan lang din akong words at dinagdag na scene. Thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD