"Congratulations," nakangiting bati ni Mr. Franco. "Ipapaayos ko na lang sa lawyer ko ang iba pang mga papeles since nakapirma na naman ang mother niya noon. It will only take a few days. Maybe, you want to consider changing his name too." Masayang tumingin si Ulysses kay Ivan. Hindi siya makapaniwalang matutuloy ang pag-ampon niya rito. Of course, he needed to thank Mr. Franco dahil alam niyang tatagal ang procedure kung wala itong connection. Halata rin ang tuwa sa mga mata ni Ivan at hindi napigilang yakapin siya. "Ivan Lemuel Mendoza," saglit na napaisip si Ulysses. "Sinong nagbigay ng pangalan mo?" "Hindi ko alam," sagot ni Ivan. "Sabi ni mama si Matthew daw pero parang imposible dahil sabi ni Tito Dustin, 'di raw tanggap noon ni Matthew na nabuntis niya si mama." "Gusto mo bang

