"Anong ginawa mo?" galit na tanong ni Noelle kay Ivan. "Why did you hurt him? Ang tanda mo na pumapatol ka pa sa bata." "Sinabi ko lang naman na huwag siyang magulo," halatang masama ang loob ni Ivan pero sinubukan nitong huminahon. His father loves this woman at ayaw niyang mahirapan si Ulysses. "Hindi 'yan iiyak nang ganyan kung wala kang ginawa," lumuhod si Noelle at pinahiran ang luha ni Arvin. "Huwag mo na uling paiiyakin si Arvin ha? You're already an adult. Act like one." Hindi na sumagot si Ivan. "Pareho lang kayong hindi tunay na anak," nanlilisik ang mata ni Noelle nang muling harapin si Ivan. "Don't bully Arvin dahil ayaw mong may kaagaw sa atensyon ni Ulysses. Huwag ka namang maging pabigat sa kanya porket nagmamalasakit sa'yo yung tao. Sa susunod na makita ko

