Nagkagulo sa loob ng club nang dumating si Dustin at hilahin palabas si Dianne. "Dustin..." namutla ang babae nang makitang galit na galit ang kapatid. "Hindi ka na natuto," halatang nagtitimping sumbat ni Dustin. "Dustin, huminahon ka," awat ni Matthew, ang bokalista ng Amadeus band. Isang masamang tingin ang ipinukol ni Dustin sa lalaki bago muling bumaling kay Dianne. "Kailan pa?" nag-aapoy sa galit na tanong nito. Hindi nakasagot si Dianne. "Dustin, walang ibig sabihin ito," sabat ulit ni Matthew. "Will you shut the f**k up?!" singhal ni Dustin kay Matthew. Akmang susugod ang lalaki pero inawat agad ito ng mga kasamahan sa banda. "Dustin, please," nagmamakaawang hinila ni Dianne si Dustin pero galit na bumaling sa kanya ang kapatid. "God damn it, Dianne! Ayusin mo naman mga d

