HAPON na at ilang minuto na lang ay uuwi na si Kola kaya nililigpit na niya ang mga gamit sa table niya. Napatingin siya nang naramdamang lumabas si Demus sa conference room at may kausap sa cellphone nito. Halata sa boses nito at hitsura na galit ang binata. Pasimple siyang nakinig sa pinag-uusapan ni Demus at ng kausap nito sa kabilang linya. "I thought everything was already fine? She agreed, didn't she?" Halata sa boses ni Demus ang inis, at bahagyang tumigil upang hayaang magsalita ang kausap sa kabilang linya. "Damn it! Where the hell am I supposed to find her? That stubborn woman has never done anything right!" Lalong nagdilim ang mukha ng binata at padaskol na ibinaba nito ang cellphone at halata ang pagtatagis ng mga bagang. Dinampot nito ang coat na nasa sandalan ng upuan

