CHAPTER FIFTEEN

1117 Words
KINAGABIHAN matapos magkulong lamang ni Kola sa cottage niya at hindi lumabas simula dalawin siya nina Zhila at EL kanina ay napagpasyahan niyang magtungo sa tabing dagat dala ang kaniyang laptop, isang maliit na notebook at ballpen. Balak niyang tapusin ang trabaho niya kahit wala siya sa opisina at hindi naman urgent. Nakakita siya ng isang pwesto sa tabi ng isang puno ng niyog. Umupo siya sa may ugat n'un at sumandal sa katawan ng puno. Bahagya siyang napapikit nang humaplos sa kaniyang mukha ang malamig at banayad na simoy ng hangin at ang amoy na nagmumula sa dagat. Nagdadala iyon ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Ngunit bigla siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala si Lawrence at ang pangarap nilang maikasal sa tabing dagat. Kung sana lang na pumayag siya noon, malamang ay nagsasama at masaya na sila ngayon. Hindi sana ito napunta kay Cindy. "Umiiyak ka ba diyan?" Biglang napabaling si Kola sa nagsalita, kinilala niya kung sino ang papalapit ngunit nahirapan siya dahil may kadiliman at wala ang salamin niya sa mata dahil nawala ito nang niligtas niya si Zhila sa dagat. "What? Hindi mo ako nakikita?" Wika ng lalaki nang tuluyan nang makalapit. Malawak ang ngiti nito. "Oh, ikaw pala Jax. Pasensya ka na malabo talaga ang mata ko sa gabi lalo na at wala ang salamin ko," wika niya na nakaramdam pa ng hiya sa binata dahil sa hindi niya ito nakilala agad. Natatawang nakiupo si Jax malapit sa kaniya. "It's okay. Anong ginagawa mo rito? Naghahanda na sila doon for dinner." Bumuntong hininga siya at muling tumanaw sa karagatan na hindi kalayuan sa kinauupuan nila. Ngumiti siya. "Nagpapahangin. Masarap kasing mag-isip kapag ganito ang paligid," saad niya kay Jax. "You're right. Ano naman ang iniisip mo?" Tinignan ni Kola ang binata at naisip na napakatsismoso naman nito. Biglang tumawa si Jax. "Nababasa ko ang nasa isip mo, tsismoso talaga ako," saad ni Jax habang hindi pa rin nawawala ang malawak na ngiti. Pansin ni Kola, sa lahat ng magkakaibigan ay si Jax ang mukhang pinaka friendly, si Levin ang pinaka approachable, si Demus ang intimidating ang dating at si Kirbin naman ang pinakatahimik at halos hindi nagsasalita. Natawa din si Kola at kumunot ang noo. "Paano mo nalaman ang iniisip ko?" "Base sa ekspresyon ng mukha mo. I can read a person's facial expression. I'm good at it." Pagyayabang ni Jax. Napatango-tango si Kola. "Kaya nga nang sabihin ni Demus na assistant ka lang niya, I din't buy it." Mabilis na nag-iwas ng tingin si Kola sa kausap at hindi nakakibo. "Hey, Just a friendly advice, whatever it is that you have with Demus, I hope you know where it's heading. Just so you know, he isn't capable of loving someone else..." Nakangiting tumingin muli si Kola kay Jax. "I know, and we're the same, I feel the same." Hindi nakakibo si Jax. Muling tumanaw si Kola sa karagatan at muling binalot ng lungkot ang kaniyang puso. Bumuntong hininga siya upang mabawasan ang bigat na naroon bago nagsalita, "Siguro kung may pagkakapareho kami ni Demus, iyon ay pareho naming hindi makalimutan ang mga taong naging parte ng nakaraan namin." "You mean...?" "I was in a four-year relationship, ilang beses na niya akong niyayang magpakasal pero kahit gaano ko siya kamahal hindi ako maka-oo..." "Bakit?" Parang invested na si Jax sa kwento ni Kola pero this time hindi dahil nakikitsismis lang siya kung hindi dahil sa pamamagitan nito ay makikilala niya si Kola at maari silang maging matalik na magkaibigan. Natawa si Kola. " Dahil hindi ko maiwanan at mabitiwan ang responsibilidad ko sa pamilya ko. I'm the breadwinner, wala na ang father ko at ako ang nagpapaaral sa dalawa kong kapatid. Matatawag akong baliw ng iba dahil sa reason and mga choices ko pero kasi hindi naman nila maiintindihan lalo kung hindi sila ako." Napatango-tango si Jax at tila inaanalyze ang mga sinabi niya. "Kung ganoon pala masyado mong mahal ang pamilya mo at nakalimutan mo ang sarili mo, ang your happiness." Hindi nakakibo si Kola at pilit nilalabanan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. She's sensitive as f**k pagdating sa kwento nila ni Lawrence. "Okay lang 'yon, hindi naman mahalaga sa akin ang sarili kong kasiyahan. Anyway, nasabi ko na bang ikakasal na ngayon ang ex ko and the twist is ikakasal siya sa pinsan ko." Sinundan niya iyon ng tawa upang ipakitang wala lang sa kaniya iyon. "Your cousin? Ouch. I can't even begin to imagine the pain." Nagkaroon bigla ng simpatya ang mukha ni Jax. "Parang kagat lang ng langgam." Naisip pang magbiro ni Kola upang mapagaan ang usapan. Pero sa totoo lang ay gumaan ang pakiramdam niya kahit paano na may nakakausap siya tungkol sa pinagdadaanan niya. After all, hindi naman pala masamang kausap si Jax, parang ang gaan lang magsabi rito. Kapwa nila hindi alam ay lihim na nakikinig si Demus sa kanilang pinag-uusapan kanina, balak lang sana nitong tawagin si Kola para sa dinner. Hindi mabasa ang ekspresyon nito sa mukha at tahimik na nilisan ang kinatatayuan at iniwan ang dalawa. "Teka, Jax. Share mo naman sa akin sino ang malas na babae sa nakaraan ni Demus?" Natawa si Jax. "I can't tell you everything. Basta ang masasabi ko sa'yo, high school sweetheart sila at kagaya mo sa kasal na rin sana ang tuloy nila, ganoon din ang nasa isip namin noon. But destiny had other plans, and they didn't end up together. That's how love is, isn't it?" Nakaramdam ng lungkot si Kola para kay Demus. Alam niya ang pakiramdam ng pinagdaanan nito. Kaya pala ganoon na lang kataas ang pader nito sa sarili at ayaw ng seryosong relasyon. Siguro nga ay mahal pa nito ang babae sa nakaraan nito... "Eh, ikaw? Nagmahal ka na ba?" Iniba na lamang ni Kola ang usapan. Malawak na ngumiti si Jax. "I am married." Napasinghap at nanlaki ang mga mata ni Kola dahil sa pagkabigla. "What? Really?" "Yes. But I'm divorced now. Ruined and divorced to be exact." Parang proud pa ito kung magkwento. "Talaga? Pero hindi ka mukhang broken." Ngumisi lamang si Jax. "That was seven years ago, ofcourse, I have already moved on. Why would I dwell on the past when I can move ahead, hindi ba?" Tila bahagyang natamaan si Kola. Sana ay katulad niya ito na marunong mag let go. "Siguro after ten years makaka move on na rin ako." Nagkibit balikat si Jax at nakakalokong nagbiro, "Pero hindi ka makaka move on agad kung kay Demus ka mahuhulog." "Jax!" Tinampal niya ito sa braso. "I'm not kidding, Kola. Huwag kang magkakamaling mahulog sa ulupong na 'yon. Masasaktan ka lang. "Never!" Pero tinawanan lamang ni Jax ang sagot niya at niyaya na siyang mag-dinner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD