"Siguro may chicks ka na uLit ngayon kaya ganado ka nitong nakaraan magtrabaho?"sita ni Dave sa kanya pagkaraan ng 2 hours meeting nila.
Ngumisi siya rito.
"Umamin ka nga,nakipagbalikan ka ba sa kanya?"lukot ang ilong nito turan.
Muli siya kinontak ni Claire,hiwalay na raw ito sa matanda jowa nito at gusto maipagbalikan sa kanya.
Nalukot ang mukha niya. " No,Dude..hindi ako sumasalo na pinagsawaan na ng iba,damn! Natuto na ko!"aniya.
"That's good,mabuti naman kung ganun.." sang-ayon nito sa kanya.
"So,ano nga ang dahilan?" pagbabalik nito sa nauna nila pinag-uusapan.
Muli siya napangisi. "Well,sabihin na natin na nameet ko na si Gabbie Stonex!"
"What?!" pagdagundong ng boses nito sa loob ng conference room.
"Bakit? Anong problema?" pagtataka niya turan.
Bigla kasi sumama ang tingin nito sa kanya.
"W-why?" bigla kinabahan niya saad. Alam niya kapag nasa ganun mode ang kaibigan hindi nito nagugustuhan ang isang bagay. At ano naman ang di nito nagustuhan na nameet na niya si Gabbie ang sister in-law nito?
"Seriously? Nagkausap na kayo?" seryoso nito saad.
"Oo,noong nakaraan araw,"
"Bakit?"
"Ha? Anong Bakit?" aniya.
"Ang sabi mo natatakot ka na harapin siya? Dude,Gabbie is a special,totoo kaya niya gawin yun," deretsahan nito saad.
Hindi siya agad nakaimik.
Tumayo si Dave at lumapit sa kanya.
"Nauunawaan ko kung katakutan mo ang isang tulad niya,pero gaya ng sabi ko espesyal siya sa lahat! Nag-iisa lamang siya,and I will protect her no matter what happen wag lamang siya saktan ng iba dahiL lang sa naiiba siya even you,my friend,I can kill you by myself.." puno ng kaseryusohan nito saad.
"Tell me,what do you want from her? Alam mo na ang lihim niya iyun ngayon sabihin mo, ano ang intensyon mo sa kanya at bigla-bigla ka lumapit sa kanya?"anito na may halo babala sa tono nito.
Nakipagtagisan siya rito ng titig.
Wala siya masamang intensyon sa dalaga. Basta ang alam lang niya gusto niya ito makita at makausap. Iyun lang.
" Dude,Wala akong masama intensyon sa kanya,it's true..I'm your friend,kilala mo ako,kailanman hindi ako nanakit ng babae dahiL lang may hidden agenda ako at lalo na sa kanya na may natuklasan pa ako tungkol sa pagkatao niya.."seryoso niya sagot.
"Like you,I want to protect her too.."puno ng konbiksyon niya dagdag.
Yes,that's true. Ngayon niya naisip na gusto niya ito protektahan kaysa katakutan niya ito kahit na hindi pa malinaw sa kanya ang lahat.
"Siguruduhin mo lang,Kian..alam mo kung ano kaya ko gawin sayo kapag sinaktan mo siya at kapag may nakaalam ng tungkol sa kanya," banta ng kaibigan sa kanya.
"You have my word,dude..handa ko itaya ang pagkakaibigan natin mapatunayan ko lang sayo na malinis ang intensyon ko sa kanya,"saad niya rito.
Damn,Debloise! You're the man!