KEYLA Nagising ako ng madaling araw dahil sa pag-alis ng mga kapatid ko. Kailangan na rin kasi nilang bumalik sa siudad dahil may kanya-kanya din silang trabaho. Pero nagtaka ako na kasama nilang babalik si Harvey. Kaya nang makaalis na sila sakay ng mini bus patungong airport ay saka ko hinila si Thiago pabalik sa kuwarto. “Bakit kasama si Harvey? Anong gagawin niya sa Manila?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “May pinapa-asikaso lang ako sa kanya. Babalik din yun kaagad.” Sagot niya sa akin. Madilim pa kaya nagpasya kaming bumalik sa pagtulog. Pero iniisip ko pa rin kung ano ang pinapagawa ni Thiago kay Harvey at kung bakit ayaw niyang sabihin yun sa akin. “Halika na at matulog na tayo.” Aya niya sa akin at hinila ako sa kama. Nakayakap siya sa likuran ko at hawak naman niya ang ka

