** NAMMIE POV ** ISANG BUWAN akong di pumasok dahil doon sa nangyari. Sa lumipas na buwan na iyon, wala akong ginawa kundi ang magtraining at pag aralan ang bawat kilos ng mga councils. LAGI na rin akong kinakausap ng empress sa mga dapat kong gawin at ang mas ikinagulat ko ay magiging isa akong reaper at kailangan kong bantayan bawat kilos ni Dhrevey kasama si Luiz hays. MAtapos noon marami akong natutunan. Kaya ng bumalik ako marami na ring nagbago. Lalo na't nalaman ko na may fiancee si Ian At nalaman ko na may secret affair si Ian at Yhevey. Hindi ko nga akalaing matagal na pala nilang gusto ang isat-isa tssss at talagang kailangan ko silang sundan noon sa camping. And yeah, ako ang kumuha ng pictures nila. Utos 'yon ni Dhrevey kailangan ko raw kasi makuha ang tiwala niya sa akin.

