STEVIAN POV Matapos mangyari iyon, hindi na ako pinansin ni Yhevey. Iniiwasan niya ako. Bobo ko kasi ba't ako nagpadala sa imosyon ko. Oo, gusto ko ang halik na iyon pero hindi ko alam kong gusto rin iyon ni Yhevey. Damn! Hindi rin siya tumabi sa akin nong kumakain na kami. Nakipagkwentuhan lang siya sa kaibigan niya. Ni sulyap sa akin di niya magawa. Hays, bakit kasi ginawa ko iyon. "Hoy Ian, tahimik ka?"lumapit si Mark sa akin. Oo, kasama ko siya classmate kami at isa siya sa kaibigan ko. Umiling ako . "May iniisip lang,"sabi ko. "Si Yhevey?" Tumango lang ako. "Bakit? Kahit ba nasa tabi mo na siya, siya parin nasa isip mo?" "Kasi, nahalikan ko siya."napayuko ako na parang bata. "Wooah? Kailan?"gulat niyang sabi. "Manahimik ka nga baka marinig ka, kanina lang."Pag amin ko. S

