Chapter 3

1156 Words
Third Person’s POV Naiwan si Stevian at Yhevey sa likod ng headquarters kung nasaan ang ginagawa nilang tree house para kay Dhrevey. Mamaya na lamang nila iisipin kung paano susuyuin ang bata dahil sa kanilang mga nasabi. “Hindi mo kasi tinitingnan ang paligid,” sabi ni Yhevey kay Stevian. Abala ito sa p*******i ng lubid sa ginagawa nilang tree house. Nang mapatingin sa kanya si Stevian ay akala niya sasagot ito sa kanya ngunit tumahimik lang ito at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Kilala mo naman si Dhrevey, maramdamin din ang isang ‘yon, isa pa, paano kung isumbong tayo kila Tita?” tanong ni Yhevey. Kahit noon pa naman ay puro na kalokohan ang pinsan ni Stevian na iyon. Madalas pa ngang mapagtripan nito ay siya, dahil na rin sa naiinis daw ito sa kaniya. Naalala ni Yhevey noon na ikinulong siya ng batang ‘yon sa basement. Nagkunwari itong humihingi ng tulong sa kaniya at mayroon daw itong hinahanap, pero nagulat na lang siya nang bigla siya nitong itulak sa loob ng basement at ikulong. Malakas ang tama ng pinsan ni Stevian na iyon ngunit kahit na bata pa ay napakagaling sa pakikipaglaban. “Yhevey, she’s not a child anymore, kaya nagkakaganyan ang pinsan ko ay dahil na rin sinusunod mo ang mga gusto niya,” sabi ni Stevian. Wow, ako lang? At ngayon ay kasalanan pa pala niya? Eh, pati rin naman ito ay kinukunsinti ang ginagawa ng pinsan nito. Heto nga at gumagawa sila ngayon ng tree house para sa batang ‘yon. “labinlimang taong gulang na si Dhrevey pero kung umasta ay akala mo sampung taong gulang pa lang,” sabi ni Yhevey. Dahil wala naman nang klase ay pinagpasyahan nilang tapusin ni Stevian ang tree house ni Dhrevey nang araw na iyon. Baka sakaling kapag bumalik ito ay hindi na sila nito awayin at mawala na ang sama ng loob nito sa kanila. “Nakita ko kanina na abala kayo sa pagsasanay, wala namang laro ang basketball team sa mga susunod na araw, ah?” tanong ni Stevian. Oo nga pala, nasa gym sila kanina. Iyong pag-aaway kaya nila nakalimutan na nito? Sa totoo lang ay ganoon sila palagi. Para silang mga aso at pusa. Kapag nagkita ay sasamaan niya ito ng tingin, habang ang lalake naman ay aasarin siya. Minsan kahit wala itong gawin ay nabubwisit siya sa lalake kaya’t sinasapak na lang niya itong bigla. “Nagsasanay lang, maraming bago ang gustong maging parte ng cheering squad, sinasanay namin para makahabol sa intrams,” sagot ni Yhevey. Gusto sanang banggitin ni Yhevey ang babaeng kausap nito kanina ngunit baka kung ano ang isipin ng lalake sa kanya. Mahirap na. Hindi rin naman niya napansin ang mukha ng babaeng kausap nito dahil nakatalikod. “Gano’n ba,” sabi ni Stevian. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila at wala ang kahit isa ang nagsasalita. Si Yhevey ay abala sa pag-aayos ng kurtina na ilalagay sa loob ng tree house samantalang si Stevian naman ay inaayos ang lubid na itatali sa hagdan. Nang maiayos na ni Yhevey ang kurtina ay tumalikod siya upang kuhanin naman ang mga kumot at unan na ilalagay sa itaas. Nagulat siya nang bigla niyang makasalubong si Stevian. “A-Ah pasensiya na,” sabi niya at kaagad na naglakad papunta sa kinalalagyan ng mga unan at kumot. Pagkatapos talaga ng tree house na ito ay hindi na muna ako magpapakita sa Dhrevey na ‘yon! Palagi ko na lang din kasing nakikita itong si Stevian! Sa tuwing may ipapagawa kasi si Dhrevey sa kaniya ay katuwang niya sa trabaho si Stevian. Hindi naman siya makahindi dahil ang ina na ni Dhrevey minsan ang nakikiusap. Noong nakaraan ay pinagawa sila ni Dhrevey ng isang project. Bahay na gawa sa mga matitigas na papel at kailangan disenyuhan ng maganda. Sa totoo nga ay kung ano-ano ang ipinapagawa ng batang ‘yon sa kanila. “Kailangan mo ba ng tulong diyan?” tanong ni Yhevey kay Stevian. Dati kapag nakikita niya ang lalake ay kumukulo na ang dugo niya, ngayon ay bawat araw nababawasan na lalo pa at nakikita niyang hindi naman talaga masama ang ugali nito. Kanina nang makita niya itong may kasama ibang babae ay nakaramdam pa siya ng kakaiba. Siguro ay bagong girlfriend iyon ni Stevian? “Hindi na, kaya ko na,” sagot ni Stevian sa kanya. “Girlfriend mo ba iyong babae kanina, Stevian?” tanong ni Yhevey. Nakita ni Yhevey na napatigil si Stevian sa p*******i ng lubid sa hagdanan at napatingin sa kaniya. Nang mapagtanto niya kung ano ang kaniyang sinabi ay kaagad na nag-init ang kaniyang mukha. N-Nasabi ko ba ‘yon ng malakas? Ano ka ba naman, Yhevey! Nahihibang na talaga siya! “Hindi ko ‘yon girlfriend, Yhevey, wala akong girlfriend,” sabi ni Stevian sa seryosong tono. Ipinagpatuloy na nito ang ginagawa at ganoon din siya. Ipinapahamak niya ang sarili, baka mamaya sa tanong niyang iyon ay kung ano ang isipin sa kanya ni Stevian. Baka isipin pa nito na nagseselos siya. Pero imposible naman iyon, alam nito kung gaano siya naiinis dito. Saka isa pa, simula noon hanggang ngayon ay lantaran ang pagpapakita ko sa kanya ng hindi maganda. “Ano ba ang gustong kulay ni Dhrevey sa labas ng tree house?” tanong ni Stevian. Tiningnan ni Yhevey ang notebook kung saan isinulat ni Dhrevey ang dream tree house nito. Nais ng bata na kulay pink ang labas ng tree house habang may mga nakalagay na iba’t-ibang klase ng bulaklak. “Ginagawa tayong karpintero ng pinsan mo,” sabi ni Yhevey kay Stevian. “Marinig ka na naman, alam mong bigla-bigla na lang iyon sumusulpot,” sabi naman ni Stevian. Agad na napatingin sa paligid si Yhevey dahil sa sinabi ng lalake. Oo nga, baka mamaya ay biglang lumitaw ang batang iyon. Para pa naman iyong nakakapag-teleport. Pinag-uusapan mo lang ngayon maya-maya ay nasa tabi mo na. “Ang nakalagay dito ay gusto niyang kulay pink ang labas, tapos may mga iba’t-ibang klase ng mga bulaklak. Itong mga binili kong kurtina ay kulay pink rin naman,” sabi ni Yhevey. Mahilig sa pink si Dhrevey at iyon ang kanyang napansin dito. Ngayon nga lang ay terno ang suot nito, mula ulo hanggang paa ay kulay pink ang kasuotan. “Wala ka nang klase hindi ba?” tanong ni Stevian. Napahinto si Yhevey sa pag-aayos ng mga kumot at unan at napatingin siya sa lalake. “Oo, tapos mamayang gabi pa ang meeting natin sa headquarters, may ipapagawa ka ba?” tanong ni Yhevey. Si Stevian kasi ang lider ng Legend knights at ito minsan ang nagbibigay ng mga task sa kanila. Umiling sa kanya ang lalake at ibinaba nito ang pinutol na lubid. “Let’s eat, ala una na,” sabi nito at ngumiti sa kaniya. Napatingin dito si Yhevey, hindi niya alam kung papayag siya dahil ito ata ang unang beses na makakasama niya itong kumain na silang dalawa lang. Madalas kasi kumakain sila na kasama ang mga miyembro ng Legend knights. “S-Sige,” sabi ni Yhevey. Ang bilis mo naman mag-decide! Sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD