"A-Ano bang sinasabi mo, huh?" I asked nervously as I lowered down my gazes, so he could not see that my cheeks are burning.
He chuckled. "Just kidding," bawi niya.
Goodness. Para akong nasa edge ng papasabog na Taal Volcano!
Hindi ko na tinangka pang magsalita o sumagot sa kanya dahil hindi maganda sa pakiramdam ang ipinahiwatig niya. Ayokong makaramdam ng ganito, lalo pa at gustong-gusto siya ng aking kaibigan. Ng bestfriend ko!
Hanggaʼt maaari ay dapat na iiwas at pigilan ang sariling nararamdaman upang hindi makapanakit ng mga taong mas mahalaga kaysa sa kanya.
Tinapos na lang namin ang aming pagkain. Kami na din ang nagligpit ng mga kalat sa kusina at buti na lang---naka-survive kaming dalawa na hindi nag-uusap habang ginagawa iyon!
Balak na sana naming bumalik sa UP kaya lang nakatanggap ako ng tawag mula sa isa naming ka-block na hindi daw a-attend ang susunod naming Prof dahil sa biglaang meeting. Nagkataon naman na nakatoka ang Prof na iyon sa mangyayaring Fashion Week by the month of July.
Dumapa ako sa mahabang sofa kaharap ni Gon. Kita ko siya sa aking peripheral vision na busy ngayon sa kakatipa sa kanyang laptop kaya hindi niya ako nagawang sulyapan man lamang. "Gon?" tawag ko dito ngunit ang mga mata ko ay nasa aking phone.
"Hm?"
"Wala na daw tayong Prof na a-attend mamaya kaya hindi na natin pa kailangan pang bumalik doʼn." imporma ko, busy din sa pagta-type ng replies kay Andi.
"Oh? E 'di mag-aaral na lang tayo,"
Doon ko siya nagawang lingunin. "Hindi ka ba busy ngayon?" kunot ang noong tanong ko dito.
He eyed me with squinty looks. "Para saʼyo ang ginagawa ko dito sa laptop, young lady. Ginagawan kita ng reviewer na magpapa-convenient sa pag-aaral mo." seryosong aniya.
Napatitig ako sa kanya. "T-Talaga?" wala sa sariling tanong ko at nagdesisyong maupo nang maayos upang mas matitigan siya nang mas maayos.
He nodded. "Yeah. Your parents asked me to as well not only to play a role as your personal bodyguard but a your dire tutor when we are at home." he said then looked back again on his laptop and start typing again.
My heart melts. At dahil sa sinabi niya, mas nagkaroon ako nang eagerness na i-pursue na matapos ang kursong gusto nila for me. In the contrast, may part sa akin na parang nanghinayang? Hindi ko sure kung dahil hindi galing kay Gon ang sinambit or what!
So not me! Nakakaramdam na naman ako ng kakaiba.
Nasa ganoʼn akong position at emotion nang mag-ring ang aking phone. At nang tingnan ko ang ID caller, bigla akong napangiti nang makita na si Andi ang natawag!
"Andi-girl!" I happily exclaimed the moment I answered the call, napatingin pa si Gon nang sandali lang.
[Hi, Alli! Wala naman tayong pasok ngayon, right? Tara bonding tayo! Diyan na lang sa bahay niyo."]
Goodness. Dito sa bahay?! E-E, baka makita niya si Gon!
Sandali akong hindi nakasagot dahil hindi ko alam kung anong isasagot kung kayaʼt tumingin ako kay Gon na may pag-aalala. Napataas naman ang kilay niya.
Inilayo ko nang bahagya sa aking tenga ang phone at kinausap si Gon sa mahinang tinig. "G-Gon, pupunta daw dito si Andi!" sigaw lo sa uring pabulong.
He looked at me coldly. "Let her. Whatʼs the problem with it?" he asked, nonsensical.
I groaned. "She might see you, stupid."
He let out an amused sigh. "Good for her. May mata siya," he answered again then did not look at me again.
I breathe. "Inis!"
[Hello, Alli? Ano? Punta na ako dʼyan, ah! See you!]
Akmang magsasalita pa ako dahil balak kong sabihin sa kanyang sa ibang place na lang but she already hanged the call up!
With furrowed brows, I stood up placed myself infront of Gon and closed his laptop! "Huwag kang magpapakita kay Andi mamaya, a! Baka kung anong isipin noʼn tapos masaktan pa dahil hindi ko sinasabi sa kanya na bodyguard pala kita and worst, sa iisang bahay pa tayo nakatira! Ang alam pa naman niya ay classmates lang tayo!" mahabang paliwanag ko dito.
At siya? Titig lang sa akin!
Naupo ako sa tabi niya at sapilitang hinawakan ang magkabilang pisngi niya paharap sa akin. "Do you get me?" seryosong tanong ko.
He smirked. "Not yet," sagot naman niya at nag-lipbite pa.
Pasimple ba siyang bumabanat?
With squinty eyes, I locked my eyes on him. "Gon, makinig ka naman! Baka nga kasi makita ka ni Andi~." pilit na pagpapaintindi ko dito at napalabi.
"What do you want me to do, then?" seryosong tanong niya, animoʼy sinasaulo ang bawat parte ng mukha ko dahil na rin sa uri ng paggalaw niya ng mga mata niya.
I gulped. Then, I carefully hand his face out. "G-Gusto mo...punta ka muna sa pinsan mo habang nagba-bonding kami? Iʼll call you na lang?" I suggested and smiled reluctantly. "...kapag pwede ka na umuwi?" I added, unsure of what Iʼm saying.
"Kiss muna,"
I frowned. "Natututo ka na mag-joke, ah! Gon naman! Seryoso kasi ako!" nawawalang pasensyang sambit ko.
He smirked again. "Seryoso din ako, young lady." sagot niya pabalik.
At dahil mukhang wala talaga siyang balak na seryosohin ang sinasabi ko, tumayo na lang ako at handa nang maglakad paalis nang hawakan niya ang kamay ko, dahilan upang matigilan ako sa paglalakad. "Ano?" tanong ko.
"If thatʼs what you want, then Iʼll do it. 2 hours, then after that...babalik ako dito." sabi niya.
Automatically, my lips formed a smile. "Papayag ka naman din pala, e! Hahaha! Sige, sige. Okay na ako doʼn!" masayang sambit ko.
Napailing-iling naman siya bago bitawan ang aking kamay at tumayo bitbit ang laptop. "Bihis lang ako bago umalis." paalam niya at dumiretso sa hagdanan.
"Bilisan mo, Gon! Baka dumating na si Andi!"
"Whatever,"
Ilang minuto mula nang makaalis si Gon ay siya namang dating ni Andi na may dalang isang brown na supot at mukhang foods ang dala.
"Hi, Alli! Gowd, alam mo bang traffic papunta dito sa Amaia Homes, huh?! Mabuti na lang at may shortcut!" kwento niya at lumapit sa akin upang ako ay yakapin.
I hugged her back. "Tara sa kitchen. Ano bang mga binili mo, ha?" tanong ko nang kumalas kami sa yakap.
She smiled, wickedly. "Samyang Buldak Korean Fire Noodles. Trip kong kumain nito with you! Iyong uusok ang bibig natin sa sobrang anghang! Hahahaha! Sa Shopee ko pa in-order 'to, e. Noong isang araw! Kanina lang dumating at sakto namang walang klase tayo pareho kaya---samyang challenge tayo ngayon! Tar, tara. Letʼs cook this fire!" masayang kwento niya at hinila na ako patungong kusina namin.
Kalagitnaan namin ng pagpe-prepare ng Samyang Noodles, nagsalita siya.
"Nga pala, Alli...sorry doʼn sa kanina, ah? Medyo naging bastos akong kaibigan dahil bigla-bigla kitang iniwan kahit nagsasalita ka pa." she apologized while mixing the fiery sauce and noodles.
I smiled. "Wala iyon, Andi. Hindi mo naman din maitatago sa saʼkin na...ano," hindi ko magawang i-rekta ang aking sasabihin dahil baka i-deny niya ngunit laking gulat ko nang bigla niyang ituloy ang aking sasabihin.
"...na nagseselos ako?"
I bit the skin inside my lower lip as I nodded. "K-Kaibigan mo kasi ako, Andi. Kilala na kita. Tapos sa akin mo pa i-itatago tunay mong nararamdaman?" I said, a bit disappointed.
She sighed deeply. "Kasi Alli...sa totoo lang? Prangkahan na---nasasaktan talaga kapag n-nakikita ko kayo ni Daegon. Alli, minsan lang ako mahulog sa isang tao, alam mo 'yan...pero kasi---"
Without a word, I embraced her and caressed her back. "Donʼt worry, Andi. Wala akong n-nararamdaman para sa taong iyon, okay? M-Magkaklase lang din kami, Andi. Nothing more." dire-diretsong sambit ko. "Gusto mo...gumawa ako ng paraan para magkalapit pa lalo kayo, e!" I cheered her up.
Kumalas siya sa yakap ko at ngumiti nang malawak sa akin. "G-Gagawin mo 'yon?!" pangungumpirma pa niya.
I nodded. "Oo naman...para sa ikakasiya mo." nakangiging sambit ko.
Her eyes watered. "Huhu! Alli! Ang bait-bait mo~!"
I chuckled. "Baliw mo. Hahaha! Tara, simulan na natin 'tong Samyang challenge!" aya ko.
Naghanda muna kami ng maraming gatas at tubig sa aming harapan bago nagpasyang maupo sa aming upuan. Bale, magkaharapan kami at kapwa naghihintay ng tamang tiyempo bago sumubo ng nag-aapoy sa anghang na noodles!
"Ready, ah? Iʼll count 1 to 5, Alli." she marked and I nodded while breathing heavily. "Pft. In 5...4...3...2...1--- go!"
Mabilis pa sa alas-4 kaming nagpaunahan sa pagsubo ng Samyang. Unang nguya, mapapamura agad dahil sa sobrang anghang nito! Parang sinisilaban ang aking bibig!
"A-Aaack! s**t, Andi! A-Ang anghang!" reklamo ko na may naluluhang mga mata at upang mabawasan ang anghang, pinaypayan ko pa ang aking bibig ngunit walang epekto---maanghang pa rin!
"Hoo! Ang sarap! Ahahahaha!" sagot naman niya at itinuro ang aking mukha. "Sobrang pula ng mukha mo, Alli! Hahahaha!" pang-aasar niya.
Nilulon ko muna ang pagkain na nasa aking bibig bago kinuha ang gatas at dagliang ininom!
Naiiyak na ako dahil sa sobrang anghang. Pakiramdam ko din ay masusuka na ako dahil dito pero si Andi, chill lang dahil---goodness! Nakalimutan kong may lahing Bicolana nga pala siya kaya sanay sa anghang at may katapangan! Mana siya kay Lea Macrix Andrada!
Nangangalahati pa lang ako sa kinakain ko, samantala si Andi naman ay paubos na ang Samyang niya. Medyo namumula na din ang pisngi niya marahil sa kinain naming pareho pero nasisiguro kong mas namumula ang aking mukha!
At pakiramdam ko din, nangapal ang aking lips dahil sa sobrang anghang! Huhu!
"Tapos!" Andi exclaimed.
Nang tingnan ko nga ang plato niya, said na said nga! Ang daya naman! Madami-dami pa ang akin, e! Goodness!
Bakit ko ba kasi tinanggap pa ang hamon niya, dehado naman ako! Huhuhu.
I sniffed. "Ayoko na, a-ang sakit na ng tongue at labi ko, huhu! Madaya ka, Andi!" ungot ko at inilayo sa akin ang plato na may laman pang Samyang bago inumin ang mga gatas na nasa harapan ko at nang maubos ay tubig naman ang tinira ko.
Wala pa ring epek! Goodness!
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA! gowd, Alli! Look at yourself! Pft! Para kang kamatis sa sobra mong pula!" she teased.
I pouted. "Hindi na ako nga ako magpapauto saʼyo! Madaya ka, Andi! Huhu. Look at my lips!"
"Ahahahahahaha! Ang cute kaya!"
"Heh!"
Ilang minuto pa kaming nag-asaran at kulitan ng aking kaibigan. Pinilit niya pa akong ubusin ang natirang Samyang pero hindi na ako nag-attempt again dahil sobrang namamaga ang lips ko dulot ng pagkain ng noodles na 'yon!
Parang nakaramdam ako ng impyerno dahil sa ginawa naming ito!
"Alli, dahil natalo ka sa Samyang Challenge natin, you have to do me a favor!" untag ni Andi.
Natigil ako sa ginagawa kong pag-inom magpahanggang ngayon ng gatas para lang tingnan siya na naghuhugas ng kamay sa sink. Siya kasi nag-insist kanina na maghugas ng mga ginamit namin. Hindi na ako nakipagtalo dahil hindi pa okay ang aking pakiramdam.
"What favor, Andi?" I asked.
She smiled. "Tsaka ko na sasabihin kapag kakailanganin ko na," sagot niya.
E?
Hinayaan ko na lamang siya sa nais. At dahil marunong naman akong tumupad sa usapan tumango na lang ako dito habang nakangiti.
Ilang minuto muli ang lumipas, nagkaroon kami nang maikling usapan about sa mga acads namin at dahil hindi maitatanggi na mas matalino siya saʼkin, puro magagandang bagay ang sinasabi niya sa akin samantalang ako naman ay buong kwentuhang nakanguso dahil alam naman niya ang weakness ko!
Hindi ko binanggit ang tungkol kay Gon pati sa ginawa nitong pagsagip sa quizzes ko dahil baka masira ang kanyang magandang mood kung kaya, pinili kong huwag idamay sa usapan si Gon.
Nang pumatak ang 8 pm, nagpaalam na din ito sa akin na uuna nang umuwi dahil na rin tumawag si Lea, pinsan niya, at pinapauwi na siya.
"Thanks, Alli! Iʼve enjoyed a lot." she bid pagpasok niya sa kanyang sasakyan.
I waved my hand. "Ingat sa pagda-drive, ah? See you, Andi!" paalam ko din.
Bumusina ito nang isang beses bago tuluyang patakbuhin ang sasakyan. At nang mawala na iyon sa aking paningin tsaka ako nag-decide na pumasok sa gate at sa loob ng bahay.
Kalagitnaan ko nang paglalakad sa living room, naalala kong hindi pa rin nakakabalik si Gon kaya dinukot ko ang aking phone at tinawagan siya---
Napatampal ako sa sariling noo. "Ang bobo ko talaga! Wala akong number ng bodyguard ko?! Goodness! Sinabi ko pa namang tatawagan ko siya!" inis kong pagalit sa sarili at tinampal-tampal pa ang sariling noo. "Bobo ka talaga Alloira! Argh!"
On a second thought, uuwi naman siguro iyon. May dala din siyang sasakyan kaya panigurado iyon!
I huffed. "Huh, baka pauwi na din. Wait ko na lang," sabi ko sa sarili at nagdesisyong maupo sa sofa at hintayin siyang makabalik.
Pumunta muna ako sa kusina upang kumuha ng ice cubes upang ilapat sa aking labing, magpahanggang ngayon ay namumula pa rin at parang nangangapal. Bumalik ako sa sofa at doon nagkalikot sa aking phone habang hinihintay si Gon na makabalik mula sa kung saan.
Muntik nang mahulog ang aking phone nang madinig ang biglaang pagbukas ng pinto ng bahay at iniluwa si Gon.
...mukhang lasing!
Nilapitan ko itong agad at tinulungang maglakad hanggang sa makaupo sa sofa. He rested his head on the headrest of it and closed his eyes. "Y-You okay, Alli?" he asked.
I winced. "Oo naman. E, ikaw? Mukha kang hindi okay, ah? Buti nakapagmaneho ka pa pabalik dito nang buhay?" sarcastically, I said.
He then smirked and open his eyes. And with drunkenness on it, he stared at me. "Kailangan mo pa ako kaya kailangan kong mabuhay." he striked.
I rolled my eyes. "Yeah, right. Bodyguard ka, e."
"What happened to your lips, by the way?" biglang tanong niya.
Thatʼs when I decided to sat beside him. Kumuha ako mula sa bowl na dala ko kanina ng ice cubes at inilapat sa aking labi. "Kumain kami ni Andi ng Samyang kanina. Ako lang ang sobrang dehado kaya 'yan! Ito ang resulta! Kainis," I hissed.
Umayos si Gon nang upo at medyo tumagilid paharap sa akin. He then looked at me with knitted forehead. "Let me see," he said and held both of my cheeks.
Umayos din ako nang upo at medyo inilapit dito ang mukha ko. "Look at my lips. Namamaga pa ba, huh? Sobrang anghang kasi talaga noong Samyang na binili ni Andi." inosenteng tanong ko.
Hinawak-hawakan niya ang aking labi. Kita ko din ang paggalaw ng kanyang Adamʼs apple dahil doon.
"Move closer, young lady. H-Hindi ko masyado makita ang labi mo," aniya.
Wala sa sariling inilapit ko ang aking sarili dito at inosenteng tinitigan ang mukha niya sa malapitan. Amoy ko din ang alak sa kanya pero mas lamang ang bango ng pabango niya. Bagay na nagpalunok sa akin.
"A-Ano? Namamaga pa ba labi ko?" I asked.
"Let me know," sagot niya.
With confusion, "H-How?" I asked, with a gulped.
"By kissing you,"
At tumigil ang aking mundo nang sandaling lumipat ang isang kamay niya sa aking bewang upang ako ay hapitin nang mas malapit sa kanyang katawan. Habang ang isang kamay niya ay nakaalalay sa aking pisngi.
At nang sandaling maglapit ang aming mga labi, daang-daang alitaptap yata ang pumalibot sa aming dalawa. May kung ano ding pakiramdam mula sa aking tiyan dulot ng halik na iginagawad ni Gon.
...ang lambot ng labi niya.
On the back of my mind, bakit hindi ko magawang itulak si Gon palayo---hinahalilan na akoʼt lahat?!!
Naramdaman yata ni Gon na hindi ko tinutugon ang kanyang mga halik kung kayaʼt laking gulat ko nang kinagat niya ang aking pang-ibabang labi. Napabuka nang bahagya ito dulot ng kagat niya.
He grabbed the opportunity to slid his tongue inside my mouth and tasted everything whatʼs inside it. He even pressed my waist while kissing me passionately.
Hindi ko alam kung saan galing at paano ko nagawang makakuha ng lakas ng loob pero bigla ko na lamang nai-angkla ang aking parehong braso sa leeg ni Gon at...tinutugon na din ang kanyang mga halik.
He bit again my lips which made me moan softly.
"M-Mm,"
Ramdam kong lumalalim na ang aming halikan pero wala akong ginagawang pag-aaklas mula sa aking kalooban. Imbes, ay parang nagugustuhan ko ang ginagawa niyang paghalik sa akin.
Napalunok ako nang maramdaman kong inupo ako nito sa lap niya, still, not breaking our kiss. I felt his hands carefully caressed my back.
Doon pa lang, pakiramdam ko ay lalagnatin na ako. May kakaiba sa haplos niya at hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit...kung bakit nagugustuhan ko din ang ginagawa niyang paghaplos sa akin.
Goodness, nababaliw na yata ako.
Ganoʼn na lamang ang pagtindi ng pag-iinit ng aking katawan nang ibaba ni Gon ang kanyang mga labi sa aking leeg. Humigpit ang kapit ko sa batok nito at napakagat sa sariling labi nang sandaling sipsipin nito ang isang balat doon.
"G-Gon," tawag ko sa namamaos na tinig.
Ngunit mukhang maging ito ay nalulunod sa sensation. Imbes na pakinggan niya ang tawag ko, ipinasok ni Gon ang dalawang kamay sa loob ng aking blouse na suot at katakot-takot na kaba ang namayani sa aking dibdib dahil sa ginawa niyang iyon!
"G-Gon---"
Bumalik ang mga labi niya sa aking labi kung kayaʼt hindi ko na nakuha pang ipagpatuloy ang sasabihin. Muli naman akong tumugon sa kanyang mga maiinit na halik. Kasabay ng malalim niyang mga halik, ay ang paghaplos niya sa aking likod.
Natalunton ng kanyang mga kamay ang clasp ng aking brassiere. Napalunok akong muli dahil alam ko na ang susunod niyang gagawin.
Ngunit ganoʼn na lamang ang pagtataka ko nang hindi niya ituloy na i-unclasped ang mga iyon. Imbes, hinaplos niya pababa ang aking likod bago tanggalin sa loob ng blouse ko ang mga kamay niya.
"Why didnʼt you unclasp my brassiere?"
He shook his head and chuckled. "Gusto mo bang mabuntis nang maaga?" he asked.
I shook my head. "N-No, of course not." niyang sagot ko.
He then stopped kissing me and looked at with drunkenness in his eyes. "I-Iʼm sorry, Alli," he sincerely said. "Hindi mo dapat ipagpalit ang iyong pangarap sa panandaliang sarap." he remarked.
Inayos nito ang ilang hiblang buhok na nakatabing sa aking mukha at walang sali-salitang...
...hinalikan ako sa noo.
Medyo may katagalan iyon kaya napapikit pa ako at dinama ang init ng labi at halik niya sa noo ko.
I feel safe.
"Iʼm sorry, young lady. But...I respect you."