NAGULAT si Misha nang isang araw ay magpahanda ng hapunan si Duke sa garden. Hangga't maaari kasi, sa kuwarto lamang silang dalawa na naglalagi. Gaano man niya gustong lumabas-labas, nahihiya siya kay Duke. Paano ay palaging kapag ganoon ay maraming pagkakataon na binubuhat siya nito. She even has a wheel chair now. Pero lalo niyang nararamdaman ang pagiging imbalido niya kapag ginagamit iyon. Payag naman si Duke sa mga gusto ni Misha. Mas maigi nga raw sa kuwarto. May mga libro at TV naman roon na kanyang mapapag-abalahan kapag wala siya sa mood na magpahinga. Ayaw rin nitong pagala-gala siya. Natatakot ito na kahit nakaalalay ito, mapagod pa rin siya. Pero ngayong araw, ito pa mismo ang nag-insist na sa garden sila kumain ng hapunan. May tent roon ngayon para hindi siya maha

