One Year Later... NANGINGINIG-nginig pa si Duke habang hawak-hawak ang kamay ng anak. Mahigit isang taong gulang na ngayon ang anak nilang babae ni Misha na pinangalanang Mikaela. Ang tanging maririnig lamang sa paglalakad ay ang tumutunog na sandals ng anak. Everything is at peace---kagaya na lamang ng kadalasan na lugar ng isang sementeryo. Inilapag ni Duke ang dalang basket ng bulaklak. Bumuntong-hininga siya para pakalmahin ang kanyang sarili. Hanggang ngayon ay nag-aalinlangan pa rin siya na dumalaw roon. Kulang pa siya sa lakas ng loob. Malaking bahagi pa rin niya ang nasasaktan. "Daddy! Ano? Who?!" tukoy ng anak kay Duke sa tinitignan na puntod. May pait sa labi na ngumiti si Duke. Ginulo niya ang buhok ng anak. Umupo siya para maging kasing pantay sila. "Someone spec

