NAKATULALA lang si Kookie sa hawak niyang baso ng alak. Kanina pa niya iniisip ang mga napag-usapan nila ni Odie kanina sa opisina. Ang sabi nito, puwede naman siyang magpakatanga sa parehong lalaki kung sa tingin niya ay iyon pa rin ang nagpapasaya sa kanya. O kaya ay aminin sa sariling may mahal na siyang iba, at ipaalala sa sarili kung paano ba talaga maging masaya uli. Tinanong niya ang sarili kung kailan ba siya huling naging totoong masaya. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Oreo at ang bubblegum flavored ice cream nito. At tuwing naiisip si Oreo, awtomatikong napapangiti siya. Kailan ba nagkaroon ng ganito kalaking impluwensiya sa buhay niya si Oreo? Noon, bago siya umalis, ginusto niyang makasama si Oreo dahil lang malungkot siya. Pero ngayon, mukhang mas malalim na ang dahila

