"PAANO n'yo nalamang dito kami nakatira ni Branon sa building na 'to?" iritadong tanong ni Kookie sa mommy niya. Naiinis siya dahil sa walang-pasabing pagdating ng kanyang ina. Sa sobrang hiya kay Oreo, pinaalis niya ang boyfriend nang hindi nagpapaliwanag dito. Pagkatapos ay pinuntahan niya sa kuwarto ang mommy niya para komprontahin ito. Ang huling pagkakaalam kasi niya ay nasa Hong Kong ito at nilulustay ang sustento ng ama niya rito. "Hindi kita ma-contact kaya si Branon ang tinawagan ko. Mabuti pa ang baklang 'yon, hindi nagpapalit ng numero. O kung magpalit man, sinasabihan ako," nakaismid na sagot ng mommy niya, saka siya tinaasan ng isang kilay. "Hindi gaya ng anak ko na hindi man lang ako naalalang sabihan na nakabalik na pala siya sa Pilipinas." Nagtagis ang mga bagang ni Kook

