SA UNANG pagkakataon mula nang tumuntong uli siya ng Maynila, nakaupo si Kookie sa likod ng mesa bilang may-ari ng Babbette's Dream. Si Branon ang dapat na nandoon, pero dahil nakikipag-date kay Robin ang magaling na kaibigan, napilitan siyang pumasok sa opisina. Hindi naman kasi puwedeng walang "boss" doon lalo at kaunti pa lang ang staff nila. Sa bahay lang nagtatrabaho si Kookie. Kadalasan, siya ang umaasikaso ng mga pangangailangan sa mga party na inaayos nila ni Branon. Ayaw niyang napipirmi sa isang lugar lang dahil pakiramdam niya, any time ay mata-trap siya ni Oreo. At least, kung nasa labas siya, madali siyang makakatakbo. "Yes. Kapag na-trap ako ni Oreo dito, friendship over na tayo," pabirong banta ni Kookie kay Branon na kausap niya sa telepono. Tinawanan lang iyon ni Branon

