NAAASIWA si Kookie ngayong nasa harap niya sina Tazmania at Odie na nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Oreo na komportableng nakaupo sa tabi niya. Kanina, habang pinipilit siya ni Oreo na banggitin ang pangalan nito, lumapit sa kanila sina Tazmania at Odie na akala yata ay nag-aaway sila ni Oreo. Kaya pinapasok sila ng magkasintahan sa Tee House para mag-relax daw, at para na rin mapag-usapan ang tungkol sa engagement party ng dalawa. Tumikhim si Kookie at nagpaka-professional mode muna. "Hi again. I'm Babbette from Babbette's Dream. First of all, I would like to apologize if Branon cannot make it today and sent me to meet you instead without notifying you. But rest assured, I'll do my best to give you the best engagement party our company could offer." Namagitan ang nakabibi

