SS 24:

1562 Words

•Janifer• Ilang oras rin ang byahe papunta sa amin, kinakabahan akong naglalakad patungo sa bahay. Malayo pa ang kubo namin, nasa dulo kasi iyon ng malaking palayan ng mga Gomez. Dati ay nagrereklamo ako kapag dumadaan dito, hindi ko lubos maisip na magbabago rin pala ang pananaw ko balang araw. Minuto ko lang nilalakad ito dati, ngayon ay parang aabutin ako ng isang araw. Bumubuo ako sa utak ko ng mga pangungusap na pwedeng sabihin kay ama. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni itay pagkakita sa akin, tiningnan pa nito ang bagahe na dala ko. "Itay, gusto ko po sanang manatili muna dito sa atin. Pwede po ba akong-" "Huwag mong bigyan ng kahihiyan ang pamilya natin, Janifer. Alam mo ba kung bakit tumitingin sa atin ngayon ang kapit-bahay?" Lumingon ako sa paligid, hindi ko sila napansin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD