•Peja• Sobra ang kaba ko nang matagal bago sinagot ni Janifer ang tawag ko. Natatakot ako baka may nangyaring masama rito, nakahinga lamang ako ng maluwag when she answer it. "Bibi, bakit ang tagal mong sinagot ang tawag ko? May ginagawa ka ba? Maayos ka lang ba diyan? Wala bang masamang nangyari sayo?" Hinihingal pa ako habang tinatanong iyon sa kanya, hindi rin ito kaagad nagsalita kaya iba na ang tinatakbo ng isipan ko. "Okay lang ako may hihilingin lang sana ako sayo, Peja." Isang pangungusap lamang iyon, pero iba ang tahip ng aking dibdib, tila ba alam na nito ang kasunod na sasabihin ni Janifer. "Ano iyon, bibi?" malambing ko pa rin na tanong sa kanya, baka napaparanoid lang ako dahil magkalayo kaming dalawa. "Maghiwalay na tayo." Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone nang

