•Janifer• Maaga akong bumangon para magawan ko ng breakfast si Peja. Kahit alam ko na may ibang babae si Peja, I mean may mahal itong iba. Siguro kong magiging mabuting asawa ako sa kanya, baka sakaling mapansin niya ang mga effort ko at mahalin niya rin ako. "Breakfast in bed?" nakangiti kong tanong sa kanya. Nakaupo na ito sa may kama at nagkusot ng mata. Ibinalik nito ang ngiti sa akin at inaya akong lumapit sa kanya. "Wala bang gayuma 'to?" Naningkit ang mata nito para suriin ang aking ekspresyon. Tumawa ako at inilagay ang tray sa mini table na nasa kanyang kama bago siya binatukan. "Di ko na kailangan 'yun, mukha ko pa lang tiyak maaakit na kita." Kumindat pa ako sa kanya, akala ko ay matatawa ito sa sinabi ko ngunit kumunot lang ang kanyang noo at nakatiim-bagang na tumingin s

