SS 04:

1500 Words
•Peja• "Maghubad ka sa harapan ko, katulad ng ginawa mo noong gabing inaakit mo ako," utos ko kay Janifer. Nanlalaki naman ang mga mata nito na tumingin sa akin bago umiling. Pagak akong natawa dahil sa naging reaksyon niya. Akala mo naman virgin pa. Ginawa niya nga iyon dati. Inakit ako nito sa opisina ko para lang pakasalan siya at makakuha ng malaking pera sa akin. Ano pa kinakahiya nito? Nakakatawa lang ang mga babaeng ganito. Kayang ibigay o ibenta ang katawan para sa pera. "Maghuhubad ka ba o ako ang maghuhubad sayo at sisiguraduhin ko na di ka na makakalakad bukas sa gagawin ko sayo ngayon," galit kong saad. Ako ang dapat na masunod sa bahay na ito. "Nahihiya ka ba dahil hanggang parausan lang kita?" Nakita ko ang paglunok nito atsaka dahan-dahang hinubad ang kanyang pang-ibabaw na damit. Nakangisi at nakataas kilay ko siyang tiningnan. Kung nasira niya ang buhay ko dahil sa pagpapakasal niya sa akin. Pwes, sisirain ko rin ang buhay niya sa sobrang kahihiyan. Nasa bandang gitna na ng kanyang dibdib ang taas ng damit nang biglang tumunog ang cell phone ko. Ramdam ko ang pagguhit ng malapad na ngiti sa aking labi, nang makita ang pangalan ni Tresea sa screen ng cellphone ko. Si Tresea lang ang minahal ko simula noong nasa kolehiyo pa lamang kami. Kahit may iba pa itong gusto ay di pa rin mapigil ng puso ko ang pag-ibig para rito. "Tresea baby, anong kailangan mo?" Tumingin ako kay Janifer na nakatingin lang sa akin. "Di na kita kailangan magbihis ka na." Marahan siyang tumango sa sinabi ko at umupo sa may kama. Napailing ako at lumabas na ng kwartong iyon. Mas kailangan ako ni Tresea ngayon. "Tresea, anong nangyari sayo? Umiiyak ka na naman ba dahil sa lalaking iyon?" agaran kong tanong nang marinig ang mahinang paghikbi nito. "Ano na naman ang ginawa niya sa'yo? Hintayin mo ako diyan papunta na ako." -- Naikuyom ko ang aking kamao, dahil sa galit na aking nararamdaman. Nasa loob na ito nang coffee shop at umiiyak. Mahal ko si Tresea kaya nasasaktan ako kapag nakikita itong nasasaktan sa ibang tao. Gusto ko siyang kunin kay Sebastian ngunit ayaw ko naman na mas masaktan ito sa tabi ko. "Louie, pasensya ka na kung ikaw ang tinawagan ko. Alam ko na may iba ka pang-ginagawa, pero wala na kasi akong matatakbuhan. Ikaw lang ang kilala ko rito sa Y City." Hinila niya ito at isinandal sa kanyang dibdib, gusto niyang ipaalam dito na nandito lang siya palagi. "Sabi ko naman sayo na ako nalang diba? Bakit kailangan mo pang magtiis sa Sebastian na 'yun?" Paulit-ulit ko na itong sinasabi sa kanya, pero parang bingi lamang ito at bumabalik pa rin sa lalaking sinasaktan siya. Wala itong alam tungkol sa pagpapakasal ko kay Janifer, dahil ayaw kong mahihiya itong lumapit sa akin. "Mahal ko siya, Louie, at kaya kong masaktan tanggapin niya lang ako." Malalim itong bumuntong-hininga bago tumingin sa akin na may malungkot na mga mata. "Mararamdaman mo rin ito balang-araw." Hindi na ako sumagot sa sinabi niya, ito naman palagi naming pinag-uusapan. Basta alam na nito na palagi akong nasa tabi nito kapag kailangan niya, at handa akong saluhin siya kapag bibitawan na siya ni Sebastian. Kahit hiwalayan ko pa ang asawa ko ngayon ay gagawin ko. Bigla itong lumayo sa pagkakayakap ko, dahil may tumatawag sa cellphone niya. "Si Sebastian tumatawag sa akin, baka nag-aalala na yun sa akin. Mauna na ako sayo, Louie, salamat talaga sa pakikinig sa mga drama ko." Iba ang tuwa nito habang sinasambit ang pangalan ni Sebastian, at tuluyan ng umalis. Napapadyak ako sa sobrang inis, ang epal talaga ng lalaking iyon. Wala ako sa mood mag-club, kaya deretso na ako umuwi kahit ayaw kong makita ang pagmumukha ng babaeng sumira sa buhay ko. -- "Hi! mabuti nalang at umuwi ka na, tara bilisan mo at baka guminaw na ang pagkain na niluto ko." Tinitigan ko ng maigi si Janifer, nakangiti ito habang inalalayan ako patungo sa kusina. Kasama ba ito sa pagpapanggap niya para makakuha ng maraming pera? "Anong ginagawa mo Miss Tobias? Akala mo ba mahuhulog ako sa mga patibong mo dahil diyan?" Naningkit ang mata ko na nakatingin sa kanya, agad naman itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Hindi pa rin nawawaglit ang ngiti nito sa labi. "Gusto ko sanang magsimula tayo kahit para lang sa anak natin, Peja." Hindi pa rin ako makapaniwala na nabuntis ko ito, gumamit naman ako ng proteksyon noon. Iyon ang naalala ko, palagi naman akong gumagamit ng proteksyon. "Hanggang ngayon yan pa rin ba ang gagamitin mo? Kasal na tayo, Janifer. Pwede ka ng makakuha ng maraming pera sa pamilya ko, kay mommy man o sa akin. Ilan ba ang gusto mo? Ibibigay ko sayo." Nagulat ako nang bigla nitong angkinin ang aking labi. Nakapikit pa ito nang lumayo sa akin. "Kung ayaw mo akong paniwalaan ngayon, pwede bang subukan nalang muna natin na mag-work ang kasal na'to? Kung hindi talaga pwede, ako na ang magkukusang aalis sa buhay mo." Napatango ako sa ideya nito, mas mabuti na rin iyon at siya na ang magkukusang umalis kapag nagsawa na siya. Wala naman akong pakialam dito, kaya sigurado akong hindi magtatagal ang kasal na'to. "Sige pero binabalaan kita huwag mong pakialaman ang personal kong buhay." May pag-aalinlangan itong tumango, akala ko ay may sasabihin pa ito tungkol doon, pero hinila nalang ako nito paupo sa mesa na may nakahain ng pagkain. "Sinigang ba yan? Kanino mo nalaman na gusto ko ang sinigang?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang umiling at tinuro ang sarili. "Gusto ko rin iyan, Peja. Iyan yung palaging niluluto ni tatay kapag umuuwi ako sa probinsya namin." Napatango ako at sinubukang tikman iyon, napangiti ako na tiningnan siya ulit. Masarap ang pagkakaluto nito, parang makakaubos ata ako ngayon ng maraming kanin. "Masarap ba? Nagustuhan mo ba?" Kinakabahan nitong tanong, at siya naman ang tumikim. Tumawa ako nang umasim ang mukha nito, napatigil ito at tiningnan ako. Nanunuri ang mga mata nito, hindi ko maintindihan ang aking sarili ngayon lang ako nailang sa tingin ng isang tao. Maski si Tresea ay hindi iyon nagawa sa akin, mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. "Ano bang tingin yan, Miss Tobias?" "Ang cute mo po sir—I mean, Peja." Napailing ako at nagsimula nang kumain, panay ang sulyap ko dito para tingnan kung ano ang ginagawa niya. "Ang sarap mo naman palang kausap, mabuti nalang sinubukan kong makipag-usap sayo." Nagkatitigan kaming dalawa, ramdam ko ang saya nito habang sinasabi iyon. Naiinis rin ako dito noong una, dahil sa nalaman ko, ginamit lang ako nito para makakuha ng pera sa akin. Nagsinungaling pa ito kay mommy na buntis siya para lang maipakasal kami. "Bakit mo ibinigay sa akin ang katawan mo? I mean bakit nakaya mong gamitin ang katawan mo para lang sa pera?" Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata nito. May masama ba akong nasabi? nagtatanong lang naman ako. Ayaw ko ring magpaiyak ng babae dahil nakikita ko si Tresea sa kanila. Nagawa ko lang iyon kay Janifer dahil sa galit ko dito, ayaw ko sa mga manggamit at sinungaling. "Ayaw kong mamatay si tatay, hindi ko rin ginusto iyon, Peja. Pero sa tuwing naiisip ko si tatay na mawawala sa akin, at wala akong nagawa ay parang mabibiyak ang puso ko. Pinalaki ako nito, binuhay nila ako kahit mahirap lang kami, kaya handa akong gawin ang lahat para makatulong sa kanila, kahit sarili ko pa ang kapalit noon." Lumapit ako dito at niyakap siya, humagulhol ito sa aking bisig. Ramdam ko pa ang pamamasa sa aking dibdib, dahil sa luha nito. Hinaplos ko na lamang ang kanyang buhok para pakalmahin ito. Dati kay Tresea ko lang nagagawa ito, sa kanya ko lang gustong magpayakap at maging sandalan nito. Pero nagbago iyon nang makita ko ang luha ni Janifer, nakakapanibago ang sakit na aking nararamdaman. May kung anong mabigat na bagay na dumagan sa puso ko dahil dito. "Shh tahan na. Pasensya ka na sa nagawa ko sayo. Galit lang ako noong una, dahil sinira mo ang buhay ko. May mahal akong babae Janifer, mahal na mahal ko siya kahit na may mahal itong iba." Lumayo ito sa akin at kinusot ang mata, nawala na ang ngiti nito sa labi at malungkot na ekspresyon ang ipinalit doon. "Sorry, Peja. Hindi ko alam. Kung gusto mo na makipaghiwalay sa akin." Nakita ko ang paglunok nito, bago tumingin sa aking mata. "Alam ko naman na gusto mo iyo--" "Gusto kong makilala ka ng husto, Miss Tobias." Nanlaki ang mata nito na tumingin sa akin, kinurot ko ang kanyang pisngi. Hindi ko pa naman alam kung ano ang mangyayari sa amin, at may Sebastian na rin si Tresea mas makakabuti siguro kapag mayroon na rin ako diba? "Salamat, Peja." May pag-asang sambit nito, tumango lang ako sa kanya. Mas mabuti na ito, wala akong nararamdaman sa kanya. Hindi ako nito masasaktan kahit kailan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD