"It’s… it’s not stuck anymore…" usal ng bata ng maalis na ang zipper. Biglang napaiyak muli si Celestine, saka niyakap ang bata na parang sarili niyang anak. Pareho silang umiiyak—siya dahil sa awa, ang bata dahil sa sakit at takot. "Brave boy… you’re such a brave boy. I’m so proud of you. Wala ka nang iisipin, okay? I’ll take care of you—." napahinto ang sasabihin ni Celestine ng bigla may humila sa buhok niya palabas ng cubicle at halos gumapang siya sa sahig habang hawak siya sa buhok ng kung sino. "Mathew! My son! Oh my God—what are you doing to my child?!" sigaw ni Rica na binalikan ang anak at tiningnan bago muling binalikan si Celestine sa naka higa pa sa sahig ng restroom at hindi pa nakaka recover sa pagkabigla. Tatayo palang sana si Celestine nakalapit na

