"Anong ginawa mo dito?" tanong ni Teo ng makita si Tin sa tabi ng kalsada at basta nalang nakasalampak ng upo sa labas ng isang malaking pharmacy na may hawak na bottle water. Kung saan-saan na niya ito hinanap, ang paalam nito pupunta ng CR pero pag punta niya roon wala ito. Nang puntahan niya ito sa apartement nito na pag-aari nila wala din ito kaya nag-alala na talaga siya kahit sa text at call hindi ito nasagot akala niya may nangyari ng masa rito.
Nagkataon naman na naka red ang stoplight at papunta na sana siya sa hospital dahil baka nasa pinakamalapit itong hospital kung saan siya nag tatrabaho ng napalingon siya at nakita na nga niya ang dalagang hinahanap na nakasubsub sa tuhod nito habang nasa labas ng malaking pharmacy. Nag-angat ng ulo si Tin na napatingin kay Teo, hindi siya nag salita nasisilaw siya sa kalangitan na nasa likod ng binata.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Bibili ako ng refrigerator sa loob." Turo ng binata sa pharmacy saka na naupo sa tabi ng dalaga.
"Hala may ref na tinda sa loob?" tanong pa ni Tin na natuptop pa ang bibig na lumingon sa pharmacy.
"Joke yun ano ba." ani Teo.
"Alam ko, kaso wala naman kuwenta ang joke mo kaya nilagyan ko ng twist." natawa naman si Teo sa sagot ni Tin na talagang basta kalokohan ang dami nitong alam.
"Ano nga kasi ang ginawa mo dito?"
"Bumili ako ng pregnancy test." sagot naman ni Tin na mula sa supot sa tabi nito inilabas ang box nga ng PT na binili.
"What the hell! Are you pregnant." galit na sigaw na pabulaalas ni Teo.
"Ang hina naman lakasan mo pa para dinig na tayo sa kabilang street."
"Stop joking around? Are you pregnant?" galit na tanong ulit ni Teo.
"Hindi pa! Pero baka mamayang gabi ko tatabihan mo akong matulog." ngisi ni Tin na nag taas-taas nanaman ang kilay habang nakangiti. Napapikit naman si Mateo na nasapo ang noo sabay buga ng hangin.
"Kelan kita makakausap ng seryoso?" tanong ni Teo.
"Kapag tumatae ako, nag coconcentrate kasi ako kapag sa mga ganun pagkakataon."
"Celestine!" galit ng usal nito na ikinasinghap naman ni Tin na sinapo ang dibdib.
"Grabe ka naman! Aatakihin ako sa puso sa'yo." bulalas ni Tin.
"Why?" itinaas pa nito ang pregnancy test.
"Kapag ba sinabi ko sa'yo na bumili ka ng condom, bibili ka? diba hindi naman kaya ayan advance ako mag-isip ako na mag-aadjust."
"Celestine." angil nanaman ni Teo.
"Wala lang yan, walang panukli sa counter kaya yan na lang kinuha ko, reserve kapag gusto mo na akong pakasalan."
"Tara." ani Teo na hinawakan na siya sa kamay at hinila patayo.
"Saan?"
"Sa bahay, kunin mo ang passport mo at ilang document na importante meron ka ba?" tanong ni Teo.
"Para saan?" takang tanong ni Tin habang nag lalakad na sila pabalik ng sasakyan ni Teo.
"Pagagawan na kita ng death certificate."
"Ay grabe siya!" wika naman ni Tin, tumarak naman ang mata ni Teo.
"Diba gusto mong magpakasal sa akin, so be it! Pag bibigyan na kita." anito sabay bukas ng pinto ng passenger seat at inalalayan siyang makapasok.
"Joke ba yun?" tanong ni Tin ng makapasok si Teo sa driver seat.
"Kailangan ko bang tumawa?" tanong ni Tin.
"Hindi yun joke at hindi joke sa akin ang kasal, Celestine. Kaya don't try to cheat on me kapag kasal na tayo dahil ipapaalala ko sa'yo. Ikaw ang may gustong mag pakasal tayo kaya be loyal and faithful. Gusto ko ako lang habang buhay." ani Teo na unti-unting ikinangiti ni Tin.
"Anong gagawin mo kapag nagloko ako?"
"Ipapa-deport kita pabalik ng Pilipinas kaya wag mo akong subukan."
"Ay ang taray! E paano kung ikaw ang mag -cheat anong gagawin ko sa'yo?"
"Not gonna happened at wala din akong balak na isipin if ever... dahil kapag ginawa ko yun wala akong pinag kaiba sa papa ko na tinalikuran namin."
"Bakit anong meron sa Papa mo?"
"He's part of my past na kinalimutan nanamin kaya wag mo na lang alamin, ako ang magpapakasal sa'yo kaya hindi mo na kailangan makilala pa ang papa ko at hindi mo din naman siya makikilala afterall." sagot naman ni Teo. Nagkibit balikat naman si Tin.
-
-
-
-
-
-
"Sigurado ka na ba sa plano mo na yan? Kilala mo ba talaga siya? Hindi ka ba mapapahamak sa kanya?" tanong ni Martin, habang kausap si Celestine over the phone habang nasa sementeryo siya at nag-aalay ng bulaklak sa dalawang taong pinagkaakautangan niya ng loob.
"Hindi nya alam kung sino ako, wala siyang idea kung sino talaga ako. Alam ko sa gagawin ko posibleng malagay din sila sa alanganin pero wala na akong choice. Ayaw kong mamatay mag-isa at ayokong mamatay ng hindi nagagawa ang tama, hindi ko hahayaan na makuha ni Tita Cath ang lahat ng pinag hirapan n'yo nila daddy." tumango si Martin na huminga ng malalim.
"Patawarin mo ako, Celestine kung hanggang dito lang kaya kong gawin para sa'yo. Wala akong malakas na kakayanan para protektahan ka ng tuluyan. Wala akong kapangyarihan na gawin yun kaya hanggat kaya mong tumayo at lumaban na mag-isa, lakasan mo ang loob mo. Hanggat dala mo ang apelido ng mga magulang mo may-alala man o wala na sa'yo pa rin ang lahat ng kapangyarihan."
"Pero bakit nag tatago pa rin po ako hanggang ngayon?" malungkot na tanong ni Tin.
"Dahil hindi wala kang kakayanan na gamitin yun, hindi dahil mahina ka. Kundi dahil wala kang sapat na lakas para hawakan ang kapangyarihan na meron ka."
"Celestine, let's go!" bungad ni Teo sa kuwarto niya, tumango naman si Celestine.
"Sige na po Tito, Martin. Aalis na po kami. Babye po palagi po kayong mag-iingat diyan." paalam niya rito saka nawala na sa liya si Celestine. Napatingin naman si Martin sa dalawang lapida na nasa loob ng moseleyo ng mga Zulueta.
"Ma'am, Sir! Patawad po." nag-yuko ng ulo si Martin.
"Wag n'yo po sanang hayaan na mapahamak si Tin, bantayan n'yo pa rin siya. At gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para maprotektahan siya laban kay Catherine. Kayo na po ang bahala sa kanya, bigyan n'yo pa po siya ng mahabang buhay paki-usap po." pumikit si Martin na humawak sa lapida ng mag-asawa.
-
-
-
-
-
--
"Ano 'to?! Sagutin n’yo ako, Mateo! Celestine! Totoo ba 'to? Kinasal kayo?! Sa Nevad? Nang hindi man lang nagpapaalam?!" galit na angil ni Ben.
"I'm sorry po, Lolo, hindi namin intensyong saktan kayo." ani Mateo habang hawak ang kamay ni Tin.
"Hindi intensyon?! Sa harap ko pa talaga, Mateo? Kaninang umaga lang—magkakasama tayo! Wala man lang kayong binanggit. Tapos ngayong gabi, uuwi kayong may dalang marriage certificate? Anong klaseng kahibangan 'to?!" angil ni Ben habang hinagod ang likod ng anak na si May.
"Tin... Bakit? Anong nangyari sa Nevada? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Wala man lang kayong pasabi, anak..." may hinanakit sa boses ng ina ni Teo nahihiya naman si Tin na nakayuko ang ulo.
"Mother-in-law, Lolo Ben... sorry po talaga. Hindi namin ginusto na ganito ang mangyari. Pero lahat po ng desisyon namin ay mula sa puso. Mahal po namin ang isa’t isa." ani Tin na naramdaman pa niya ang pagpisil ni Teo sa kamay niya na parang sinasabi na wag na siyang magsalita.
"Puso? Mag silayas kayong dalawa sa harapan ko, mga wala kayong respeto. Mga bastos!" sigaw pa ni Ben bago malalaki ang hakbang na tumalikod pero muling lumingon sabay tinitigan si Tin na parang namalikmata pa ito pero muling tumalikod at hindi na lumingon.
"Hay! Hindi ko alam ang sasabihin ko sa inyong dalawa. Hindi ko alam ang biglang pumasok sa isip n'yong dalawa, na disappoint ako sa inyong dalawa pero sana tama ang naging desisyon n'yo dahil usapang habang buhay na ito at sana hindi n'yo ginagawang biro ang salitang kasal kahit pa may divorce dito sa amerika." wika ni May sabay talikod na din.
"Tsk! Galit sila sa akin kainis." ani Tin.
"Hindi lang naman sa'yo sa akin din, wag ka na lang munang pakalat-kalat sa paningin ni Lolo pag wala ako."
"Mag hohoneymoon na ba tayo?" bilang tanong ni Tin na ikinalingon naman ni Teo na parang nalimutan ang bagay na yun.
"May duty ako ngayon gabi, matulog ka na lang muna bukas."
"ABAAAAA!" maktol bigla ni Tin na pumadyak pa na tinawanan naman ni Teo. May tensyon na ngang nangyari talagang honeymoon pa ang naisip ni Tin. Ibang klaseng babae talaga.