"Binangungot ka naman, bakit hindi mo na lang hayaan na dito tumira ang asawa mo para nama—" "Ano bang pinag sasabi mo, Martin!" inis na bulalas ni Toni na sinamaan ng tingin ito habang ibinababa ang isang baso ng gatas na hiningi nito sa katulong. "Ang akin lang sa tuwing umuulan lagi kang binabangungot, mas maganda kung may katabi ka ng natutulog." "So sinasabi mo na mag-asawa na ako dahil lang binabangungot ako sa tuwing umuulan? Ganun na ba ako ka pathetic, Martin?" "Hindi sa ganun pero kailangan mo na din ang makakasama, hindi habang panahon nandito ako palagi sa tabi mo." "So, ano gusto mo ng umalis. Sino bang pumipigil sa'yo?" naiinis na tanong ni Toni. "Ahhhh oo nga pala nalimutan ko, asawa mo nga pala ang Tita Catherine ko. Pero dahil sa

